Monday , November 18 2024

Napatay na ad exec biktima ng ‘crime of passion’

MAAARING biktima ng “crime of passion” ang advertising executive na si Kristelle Kae Davantes, pahayag ng isang opisyal ng pulis.

Sinabi ni Chief Supt. Christopher Laxa ng Special Investigation Task Group Kaye na: “Merong hate sa… kaaway niya….”

“Is there somebody else involved dito? O meron (kaya) siyang isang manliligaw na na-frustrate, titingnan natin ‘yan,” dagdag ni Laxa.

Dagdag ni Laxa, ayon sa ulat, naghihinala ang mga awtoridad na maaaring biglaan lamang naganap na krimen, matapos ang silakbo ng emosyon, tulad ng galit o pagdadalamhati.

Base sa CCTV footage, nakapasok ang Toyata Altis ni Davantes sa South Luzon Expressway dakong 1:19 a.m. noong Setyembre 7, ang pinakahuling araw na nakita siyang buhay, at nakalabas sa Filinvest Tollgate bandang 1:31 a.m. patungo sa kanyang tirahan sa Moonwalk, Las Piñas.

Dagdag ni Laxa, maaaring may kinalaman sa “love life” ni Kae ang kanyang pagkamatay. Nakatakda na sana siyang pakasalan ang kanyang boyfriend na si Benedict Ong sa susunod na taon.

Bukod dito, maaari rin aniyang may kinalaman sa kanyang trabaho ang krimen, dahil account manager ang biktima ng McCann, isang global advertising agency network.

Maaari rin aniyang napatay siya sa loob ng kanyang sariling kotse, bago itinapon ang kanyang labi sa Silang, Cavite, dagdag ni Laxa.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *