Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark na Kalokalike ni Vhong, hataw na ang career

ISA sa mga aabangan ngayong semi-finalist ng Kalokalike, Face 2 ng It’s Showtime ay ang model turned actor na si Mark Tyler Dela Cruz.

Si Mark ay tubong Sta. Cruz, Laguna. Bago siya sumabak sa Kalokalike Face 2 ng Showtime ay naging produkto siya ng isang prestige male pageant, ang Mr. International-Philippines 2013 na naging runners -up. Ngayon ay humahataw na ang kanyang career dahil kasama siya sa no.1 primetime serye na Juan Dela Cruz ng Kapamilya Network bilang isang kawal ni Shaina Magdayao sa mundo ng kaharian.

Samantala, nagsimula na last week ang Kalokalike semi-finalist over 72 contestants na magpapasiklaban sa kani-kanilang mga ginagayang mga iniidolo at isa si Mark aka Vhong Navarro sa maiinit na makakalaban at aabangan.

Nag-trending si Mark nang sabihan niya si Anne Curtis sa kanyang pick-upline ng, “Tae ka ba?” Positive man or negative ang mga naging reaksiyon ng viewers, nag-trending pa rin ito at tumatak. Agad namang humingi ng sorry si Mark sa viewers, dahil hindi naman niya sinadya ang nasabing pick-upline at nagwagi  pa rin siya.

Kaya nagyon pa lang tiyak na aabangan ang salpukan ng mga Kalokalike Face 2 dahil mas mahigpit ang labanan. Sa ngayon, kaliwat kanan na ang mga guesting ni Mark, abangan siya sa September 25 sa Music Box –Timog at sa October 12 sa Dumaguete City.                (Troy Catan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …