Sunday , May 4 2025

Luhaan dahil sa order ni Biazon

MARAMI ang luhaan sa BOC Port of Cebu at maging sa Sub-Port of Mactan dahil sa BACK TO MOTHER UNIT na order ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Hindi maitago ang PAGKADESMAYA ng maraming opisyal na apektado sa nasabing kautusan ni Biazon na anila ay hindi isinaalang-alang ang koleksyon ng kagawaran at ang MALAKING PERHUWISYO raw sa kanilang biglaang pagbabalik sa orihinal na posisyon.

Noong nakaraang Lunes ay WALANG NAGPAKITA na Customs Examiner sa Assessment Section ng Sub-Port of Mactan at kahapon, araw ng Huwebes, ay hindi naman magkamayaw ang mga processor at ang ibang brokers dahil walang pumipirma sa kanilang entries at nakatengga lamang sa Assessment Division.

Ngunit meron din naman nagsabi na sila ay SUSUNOD sa nasabing order ni Biazon kahit na medyo masakit sa kanilang damdamin, lalo na at napamahal na sa kanila ang SUGBO.

Ayon sa isang mapagkatiwalaang source sa loob ng Port of Cebu, TINANGGIHAN nila ang P400-MILYON na papasok sana sa kanilang kaban upang hindi raw mateknikal.

Biruin mo nga naman, P400-MILYON ay naging BATO dahil sa kaguluhang nalikha ng order ni Biazon.

Ngunit meron din namang nagsabi na ‘di dapat si Biazon ang sisihin kundi si Finance Secretary Cesar Purisima na MINANIOBRA ang pagposisyon ng kanyang mga bataan sa Customs para sa kanyang pagtakbo sa Senado sa 2016.

May katotohan man ito o wala, uulitin lang po natin na MARAMI ANG LUHAAN sa hakbang na ito nina Purisima at Biazon kahit na sabihin pa nila na alinsunod ito sa DAANG MATUWID.

Hindi na nga naman nila isinaalang-alang ang MARAMING PAMILYA na magugutom at mga estudyante na di makapag-aral.

Bakit nga naman natin sisihin din sina Purisima at Biazon, ‘e DI NAMAN NILA NARANASAN na magutom sa tanang buhay nila?

HARINAWA ay magiging maganda pa rin ang kahihitnan ng mga pagbabagong ito.

Junex Doronio

About hataw tabloid

Check Also

Zsa Zsa Padilla Through The Years

Zsa Zsa napahanga sa kanyang robotic surgery

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TWO years ago pa pala ang 40th anniversary ng Divine Diva …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *