Tuesday , April 15 2025

Hangad ng karerista: Hagdang Bato vs Crusis

Hinahangad ngayon ng mga karerista na magkatagpo at maglaban sa isang malaking karera ang local  super horse na si Hagdan Bato  at  ang itinuturing na magaling sa hanay ng mga imported na si Crusis.

Ang pangarap na laban ng  publikong karerista ay posibleng maganap sa nalalapit na  2013 Philracom  Ambasador  Eduardo M. Cojuangco Cup  dahil usap-usapan  sa labas at loob ng karerahan na kapwa inihahanda ang dalawa para sa naturang pakarera.

Puspusan na ang ginagawang pagsasanay  sa alaga ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na si Hagdang Bato sa ilalim ng pangangalaga ni Top Horse Trainer  Ruben Tupas.

Bagamat  hindi pa kumpirmado kung sasabak sa laban  ang alaga ni Commissioner Marlon Cunanan  na si Crusis, marami ang nagsasabi na ito ang puwedeng maging katapat ni Hagdang Bato  para sa nalalapit na Cojuangco Cup.

Ang Cojuangco Cup ay gaganapin sa Nobyembre 17  ng taon sa karerahan ng Metro Manila Turf Club sa Malvar,Batangas  na may nakalaang papremyong P2-milyon para sa 2,000 meters na karera.

Kahit ang  pamunuan ng Philracom ay naniniwala na isang malaking laban kung maghaharap ang Hagdang Bato  at Crusis sa Cojuangco Cup.

Ang Hagdang bato ay tinanghal na Juvenile Champion noong 2011 at Grand Slam Triple Crown Champions noong  2012  at  2012 Presidential Gold Cup champion  sa hanay ng local na mananakbong kabayo sa bansa.

Ang Crusis naman ay itinuturing ngayon na pinakamagaling na imported  at sinasabing patuloy ang pag-asenso ng takbo nito.

Abangan po ninyo sa  pitak na ito kung matutuloy ang Hagdang Bato Vs Crusis sa Cojuangco Cup. Mabuhay  po  ang bayang karerista.

Ito po ang ilang tip ng  Kontra-Tiempo:

Race 1) Hi Money,La Furia Roja,

Race 2 Mr.  Bond , Colonial Star

Race 3)  Brite Olympian/One More Sweet Kiss, Misteryosa

Race 4) Top Wise, Tribal King

Race 5) Admiral Contender, Love Minstrel ,Entry No.5

Race 6) Friend For Never, Malambing

Race 7) Little Miss Hot Shot,Sun Tan Tony

Race 8) Seni Seviyorum ,May Bukas Pa, Lohrkes Tower

Race 9) Seeing Lohrke,All Out,  Manila’s  Gem

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

FIFA certification test ipinatupad sa Rizal Memorial Stadium Complex (RMSC) football field

ISINAILALIM sa Federation Internationale de Football Association (FIFA) certification test nitong Huwebes ang bagong-gawang Football …

Antonella Berthe Racasa

Racasa kampeon sa Battle of the Calendrical Savants Tournament

NAPASAKAMAY ni Woman National Master at Arena FIDE Master Antonella Berthe Racasa sa mismong Araw …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *