PATULOY ang isinasagawang “calibrated military response” laban sa natitirang mga miyembro ng Moro National Liberation Front-Nur Misuari faction na sumalakay sa lungsod ng Zamboanga.
Ayon kay Crisis Committee spokesperson, Lt/Col. Ramon Zagala, hindi tatantanan ng government security forces ang mga rebelde hangga’t hindi sila na-neutralize.
“We will continue with our calibrated military response until they are neutralized, either by being killed or captured or they surrender,” ayon sa opisyal.
Una rito, lalo pang lumiliit ang lugar na pinagtataguan ng mga armadong MNLF-Nur Misauri group members sa pang-10 araw standoff kahapon sa Zamboanga City.
Tinukoy pa ng opisyal na batay sa kanilang pagtaya, hindi na lalagpas ng 30 ang bilang ng mga kalaban.
Ipinagmalaki pa ng opisyal na 80 porsyento ng mga inokupang barangay ng mga rebelde ang nabawi ng government security forces.
(HNT)