Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Sebastian vs. Lyceum

PAGHIHIGANTI at pagpapatatag ng kapit sa ika-apat na puwesto ang hangad ng San Sebastian Stags kontra Lyceum Pirates sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Men’s Basketball Tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay pinapaboran ang three-time defending champion San Beda Red Lions na makaulit kontra host College of Saint Benilde Blazers.

Ang Stags, na may 7-5 record, ay nasilat ng Pirates, 60-55, sa kanilang unang pagkikita sa first round noong Agosto 26.

Ang Pirates ay may 4-8 rcord at manipis na ang tsansang makarating sa Final Four. Magagawa nilang makausad sa susunod na yugto kung magwawagi sila ng limang beses sa huling anim na laro.

Nananatiling contender ang Stags ni coach Topex Robinson sa kabila ng pangyayaring sampu ang rookies ng koponan.

Kabilang sa mga impresibong baguhan sina Jamil Oretuoste, Leodaniel de Vera, Bradwyn Guinto at CJay Perez. Ang pinakabeterano sa koponan ay ang team captain na si Jovit dela Cruz.

Ang Pirates ni coach Bonnie Tan ay pinamumunuan ng pambatong point guard na si Shane Ko na sinusuportahan nina Aziz Faycal Mbomiko, Andrei Mendoza, Paul John Soliman, Jeremiah Taladua at Dexter Wilbur Zamora.

Bahagyang naungusan ng Red Lions ang Blazers, 71-70, sa opening game ng season noong Hunyo 19.

Sa larong iyon ay nakatanggap ng alley-oop pass si Arthur dela Cruz buhat kay Rome dela Rosa para sa winning basket.

Bukod sa dalawang ito, umaasa rin si coach Teodorico Fernandez III kina Baser Amer, Kyle Pascual at 6-8 sentrong si Olaide Adeogum.

(SABRINA PASCUA)

Pirates uulit sa Stags

ATAT nang makabawi ng San Sebastian College sa Lyceum of the Philippine University Pirates sa nagaganap na 89th NCAA senior men’s basketball tournament.

Nakadehado ang Pirates sa Stags, 60-55 noong Agosto 26 kaya naman naglalaway na itong mamayang alas 4 ng hapon na gaganapin sa The Arena San Juan.

Nakaupo sa pang-apat na puwesto ang San Sebastian sa kartang 7-5 win-loss dalawang panalo ang agwat sa mga sumusunod na College of Saint Benilde, Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College na may tig 5-7 baraha.

Tangan naman ng Pirates ang 4-8 baraha na ngayon ay nasa pang-walong puwesto at ang panalo nila ang magbibigay sa kanila ng tsansa na makasampa sa semifinals.

Sasandalan muli ni Lyceum coach Bonnie Tan ang mahigpit na depensa ni Mendoza at ang opensa ng kanyang shooter na si Wilson Baltazar.

Tumapos si Baltazar ng 19 points, apat na rebounds at dalawang assists sa kanilang laban.

“Pag may pagkakataon eh titira ako nang titira gaya nang sinasabi sa akin ni coach at mga kasamahan ko na malaki ang tiwala sa akin,” wika ng 19 anyos na si Baltazar.

Sa pangalawang sultada, pipiliting kumalas muli ang defending champion San Beda sa pagkakakapit ng Letran sa kanila sa top spot ng team standings.

Nakatakdang sagpangin ng Red Lions ang host school Blazers sa ala-6 ng gabi upang masolo muli ang unahan at makuha ang twice-to-beat advantage na ibinibigay sa top two pagkatapos ng 18-game eliminations round.

Magkasalo ngayon sa tuktok ang Red Lions at Knights bitbit ang 10-2 card habang nakamasid sa pangatlong puwesto ang Perpetual Help Altas na may 10-3 baraha.

Galing sa two-game winning streak ang SBC habang yumuko sa huling laro ang CSB.

Ang top four teams ay maghaharap para sa crossover semifinals. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …