Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, seryosong mapasagot si Jessy

TOTOO kaya ang mga lumalabas na balitang, seryoso si Jake Cuenca na mapasagot o maging girlfriend si Jessy Mendiola? Hindi kaya gimmick lang ito dahil magkasama ang dalawa sa nalalapit nang teleserye ni Jessy na kasama siya sa ABS-CBN2, ang Maria Mercedes?

Ayon kay Jake, seryoso siyang mapasagot si Jessy at hinamon pa ang napapabalita ring nanliligaw sa aktres na si Sam Milby ng ‘may the best man win’.

“Well, kung sa show mapapanood niyo na pinag-aagawan si Maria Mercedes, hindi naman malabo mangyari ‘yan kay Jessy Mendiola, kasi iisa lang naman sila. Ang sa akin, may the best man win,” ani Jake sa isang interbyu sa kanya.

Inamin din naman ni Jessy sa isang interbyu sa kanya na hindi lamang si Sam ang nanliligaw sa kanya dahil nagpadala rin daw ng pagkain sa kanyang bahay ang actor na si Jake.

Sa nangyayari ngayon, tila mas may edge si Jake dahil mas madalas niyang nakakasama si Jessy dahil magkatrabaho sila. Sana lang, hindi malamangan si Sam at hindi na magpatumpik-tumpik pa sa panliligaw.

For the meantime, wait na lang natin kung sino kina Sam at Jake ang makasungkit ng matamis na oo ni Jessy.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …