Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Docena, Fronda bigo sa Turkey World Jr Chess

NABIGO sina Filipino whiz kid Jerad Docena (ELO 2227) at kababayang si Jan Jodilyn Fronda (ELO 2038) matapos matalo sa kani-kanilang kalaban sa fifth round ng World Junior Chess Championships 2013 Miyerkoles sa The Ness Hotel sa Kocaeli, Turkey.

Yuko ang Tagubaas, Antequera Bohol native Docena kontra kay Armenian IM Vahe Baghdasaryan (ELO 2423) sa Open section habang nadapa naman si San Andres, Manila based Fronda kontra kay Vietnamese WIM Vo Thi Kim Phung (ELO 2219) sa Girls division.

Napako si Docena sa 2.5 points at nanatili naman si Fronda sa 2.0 points.

Magkasalo sa liderato sina No.1 seed GM Yu Yangyi (ELO 2662) ng China at No.9 GM Sethuraman S.P. (ELO 2553) ng India sa Open category na may tig 4.5 points habang magkasama din sa unahang puwesto sina top seed  Woman Grandmaster Alina Kashlinskaya (ELO 2434) ng Russia, No.5 WGM Irina Bulmaga (ELO 2387) ng Romania at No.11 WIM Warda Aulia Medina (ELO 2301) ng Indonesia sa Girls section na may tig 4.5 points.

(Lovely Icao)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …