Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dilinger balik-MERALCO

KINOMPIRMA ni Meralco coach Ryan Gregorio na lalaro na si Jared Dilinger sa Bolts sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.

Ayon kay Gregorio, bukas na darating si Dilinger sa bansa mula sa California kung saan nag-therapy siya para sa mga pilay na nangyari nang naaksidente siya noong Abril.

Bumangga ang kotse ni Dilinger sa isang poste ng MRT sa Cubao habang papauwi siya mula sa laro ng Talk ‘n Text kontra Ginebra sa semifinals ng Commissioner’s Cup.

Itinapon ng TNT si Dilinger sa Meralco katuwang ang Barako Bull.

“He (Dilinger) told me that as soon as he hops out of the plane he is ready to go,” ayon kay Gregorio sa panayam ng PTV 4.

“I am hoping he is in tip-top shape which I am certain of because of his attitude in this game … he does not go out of shape.”

Susunod na makakalaro ng Meralco ang San Mig Coffee bukas.

“Yeah, I am leaving here on Thursday. I feel good! I don’t know what management has planned for me but my intention is to play and help the team as soon as I arrive,” ani Dillinger. “I worked mainly on my legs and core in functional type workouts,  I didn’t want to get too big lifting weights.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …