Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Altas nakasandal kay Baloria

ISA sa mga league top scorer si Juneric Baloria kilala rin bilang clutch shooter

Tumitikada ng mahahalagang puntos si Baloria kapag nangangailangan ang kanyang koponan kagaya nang ipanalo niya ang Perpetual Help Altas ng dalawang sunod sa huling dalawang laro nila.

Si Baloria ang nanguna nang gibain ng Altas ang College of Saint Benilde Blazers, 68-64 at pagkatapos ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 64-61 sa 89th NCAA basketball tournament.

Dahil sa ipinakitang kagitingan ni Baloria hindi nagdalawang isip ang grupo ng mga sports scribes na galing sa national broadsheets, tabloids at online publications na ibigay sa kanya ang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na sinuportahan ng Gatorade.

Una’y  kumana ng 18 puntos si Baloria bago ang 32 puntos nito kontra Jose Rizal upang ilagay ang Las Pinas-based school Perpetual sa third spot na may 10-3 slate, kalahating laro ang agwat sa league leaders San Beda at Letran na parehong may record na 10-2.

Ayon kay Baloria na may average na 23 points per game, dahil sa tiwala at kompiyansa na ibinibigay sa kanya ni coach Aric Del Rosario kaya gumaganda ang kanyang laro.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …