Saturday , May 10 2025

Mambabatas sa plunder dapat mag-leave o masuspinde

POR delicadeza at para bigyang-laya ang -imbestigasyon sa kanila, dapat mag-leave o masuspinde ang mga mambabatas na sinampahan ng kasong pandarambong (plunder) sa Office of the Ombudsman nitong Lunes.

E, sino-sinong mambabatas ba ito? Sila sina dating -Senate President “Gusto ko hapi ka” Juan Ponce Enrile, Senador “Sexy” Jinggoy Estrada at Senador “The Amazing Kaps” Ramon Revilla, Jr.

Ang mga dating kongresista naman na kasama sa plunder case ay sina Rizalina Seachon-Lanete at Edgar Valdez.

Malversation, direct bribery at graft naman ang ikinaso kina ex-Congressmen Rodolfo Plaza, Samuel Dangwa at Constantino Jaraula. Below P50 million lang daw kasi ang kanilang nakurakot!

Sa plunder case kasi ay dapat P50 million above ang na-nakaw sa kaban ng bayan.

Kasama rin sa plunder ang walong chiefs of staff ng mga mambabatas, kabilang ang kontrobersiyal at mataray na si Atty. Gigi Reyes ni Sen. Enrile.

Si Reyes ay umalis na ng bansa!

Ang text at email sa atin ng netizens at concerned -citizens ay dapat daw mag-leave of absence muna o kaya’y masuspinde ang mga mambabatas upang sa gano’n ay hindi masabing naiimpluwensyahan ng kanilang tanggapan ang imbestigasyon sa mga kasong nakasampa sa kanila. Tama!

Dahil kung sila nga naman ang mag-iimbestiga sa Senado ng katiwalian ay pinagli-leave o pinasususpinde nila ang iniimbestigahan.

Ngayon sila naman ang kinasuhan (ng pandarambong), ang bayan naman ang humihiling: “Mag-leave kayo!” o “Suspindehin sila!”

Pero bayan, tiyak taon ang bibilangin dito bago makapaglabas ng desisyon ang Ombudsman. Baka nga tapos na ang termino nina Enrile, Estrada at Revilla sa 2016 ay hindi pa tapos ang kasong ito.

Pero sa kasong ito, mauunsiyami ang ambisyon nina -Estrada at Revilla sa pagtakbong presidente o bise presidente sa 2016. Malas nila!

Matunog pa naman na kung hindi bise presidente ang tatakbuhin ni Jinggoy aymayor ng Maynila ang kanyang tatargetin. Tsk tsk tsk…

Hindi bale si Enrile, sa kanyang edad na 89 ngayon, pa-retire na siya sa politika at hindi na rin siya makukulong sa kanyang edad, alinsunod sa batas.

Pero naospital si Enrile nitong Lunes. Inatake ng -altapresyon. Wala raw katotohanan ang mga inaakusa sa kanya! Weh!!! ‘di nga?

Anyway ang gusto ng bayan dito, mabawi ang bilyon-bilyong kwarta na ‘ibinulsa’ ng mga opisyales na ‘yan!

High morale ang Marines,

‘wag lang nagka-keloid

– Sir Joey, isa po akong member ng Philippine Marines na kasalukuyang nakikipagdigma laban sa MNLF dito sa Zamboanga. Ok naman po kahit kulang sa tulog at pagkain, high morale pa rin. Pero low morale kami dito sa Marines dahil sa total removal na pakana ni FOIC Alano! Puro keloid na ang braso namin dito sa Marines. Sana makarating ito kay PNoy at malaman ng taong bayan kung ano ang nangyayaring ‘di maganda dito sa loob ng organisasyon. – 09262443…

Ito siguro ‘yung ipinagbabawal ang mga tattoo sa katawan sa Philippine Marines. Well, baka may magandang dahilan  si FOIC Alano kung bakit pinabubura ang mga -tattoo ng mga Marines.

Higit P50 bilyon ang

nawala sa Zamboanga

Mr. Venancio, malaki ang nawalang business income sa loob ng pitong araw sa Zamboanga City.  Imagine 50 -bilyong piso! Nandoon pala ang mga major na  pagawaan ng -sardinas. Talaga naman nakakapagpakulo ng dugo ang ginawa ng tropa ni Misuari! Paano makababawi ang mga negosyante sa dahil sa mga nagaganap doon? Magpapasko pa naman, tiyak na madadamay ang bonus ng mga tao roon.   Lugi  ang mga negosyo. Kung hindi agad matatapos ang labanan lalong malaking lugi sa mga negosyo. Baka pag minalas-malas pa mapurnada ang bonus!

Mas kawawa ang mga nawalan ng bahay dahil sa pagsunog ng mga alipores ni Misuari.  Mas lalong kawawa ang mga mahal sa buhay ng mga namatay.  Lalo na kapag padre de pamilya.

Talaga naman kapag may giyera, lahat ay talo sa labanan.  Ang magkalabang puwersa at ang walang kinalaman. -Damay-damay na sa kapighatian.  Harinawang sa lalong madaling panahon ay matapos na ang labanang ito.

Tapusin n’yo na AFP.  Nasa inyo ang lahat ng -kakayahang matapos kaagad ang giyera. – DELFIN A. BUENAVISTA

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: joey_pulis@yahoo.com

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *