Sunday , December 22 2024

Jueteng operation ni Manuela ‘timbrado’ sa PNP-SPD?!

00 Bulabugin JSY

PARANG alter-ego raw ngayon ni Southern Police District (SPD) Director, C/Supt. Jose Erwin Villacorte ang isang alyas Manuela, sinasabing operator ng jueteng sa nasabing area.

Ito raw ang ipinagyayabang na lisensiya ni alyas Manuela sa bawat chief of police sa SPD na kanyang nakakausap.

Si alyas Manuela pa raw mismo ang kumokolekta para sa SPD.

FYI NCRPO Chief Gen. Marcelo Garbo, si Manuela Tengwe pa umano ang nagdidikta sa mga chief of police (COP) pagdating sa hatagan.

Hindi raw pwedeng umangal kay Manuela ang mga COP dahil alter-ego nga siya ng SPD.

Sa Parañaque, nariyan ang isang Sr. Insp. RS na sinasabing protector ng Tengwe operasyon ni alyas Manuela.

Itinuturo rin ni Manuela na ‘AYOS NA AYOS’ na raw siya kay Pateros Mayor Medina, AYOS na rin umano siya sa Taguig Mayor Squad, at sa bata-bata ng Muntinlupa Mayor na alyas Salvador.

Ang katunayan umano na malakas ang loob at talagang largado ang jueteng operasyon ni alyas Manuela ay ang pagkakasakote sa 12 jueteng personnel sa Daughters at ang 14 jueteng personnel sa Baclaran, na pinangungunahan ng CIDG Task Force na si Col. Elenzana.

Gen. Villacorte Sir, grabe ang pamamayagpag ng 137 operasyon ni alyas Manuela sa area of responsibility (AOR) mo … okey, okey lang ba sa iyo ‘yun?!

Mukhang ibang klase talaga ang dating ni alyas Manuela sa iyo, ha Gen. Villacorte?!

Contractors umiiyak sa 30 percent SOP ng Caloocan City hall?

CONTRACTORS UMIIYAK SA 30 PERCENT SOP NG CALOOCAN CITY HALL?

MARAMI raw nag-iiyakan na CONTRACTORS ngayon sa Caloocan City.

Lalo na ‘yung mayroong mga naiwang singilin sa administrasyon ng dating mayor.

Ang mga nagnanais naman makakuha ng kontrata sa city hall ay kinakailangan maghatag ng 30 porsiyento sa halaga ng proyekto bilang goodwill para makakuha ng kontrata.

Tsk tsk tsk …

‘E paano nga ‘yung meron mga singilin? Kailan pa sila makasisingil?!  ‘Yun mga identified na malapit sa dating alkalde ay mas lalong iniipit ang kanilang collectibles sa city hall.

Ano nga ba ang problema Mayor Oca Malapitan?

Masyado raw mabagal ang ‘USAD’ ng papeles ngayon. Siguro ‘e laging busy si Yorme…kaya hindi makapirma ng tseke?

Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni YORME “natural 9” ngayon?

By the way, totoo bang mahina raw ang pandinig ninyo  Yorme?!

Humihina rin ba ‘yan kapag ‘PERA’ ang pinag-uusapan?

Just asking lang po.

“Kabayan ko, kapatid ko” Evangelical and medical outreach mission sa CSJDM tagumpay

“KABAYAN KO, KAPATID KO” EVANGELICAL AND MEDICAL OUTREACH MISSION SA CSJDM TAGUMPAY

BINABATI natin ang IGLESIA NI CRISTO at ang FELIX Y. MANALO FOUNDATION sa pakikipagtulungan ng lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at ng kaibigan nating si City of San Jose del Monte (CSJDM) Mayor REY SAN PEDRO sa matagumpay na pagdaraos ng “KABAYAN KO, KAPATID KO” Evangelical and Medical Outreach Mission sa nabanggit na siyudad.

Umabot po ng kalahating milyon (500,000) ang mga dumalong residente ng lalawigan mula sa North at South Bulacan.

Ang nasabi pong aktibidad ay ika-15 na sa idinaos ng INC at FYM Foundation sa buong bansa bilang paghahanda sa INC Centennial sa July 27, 2014 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Wala po tayong masasabi sa outreach program na ito ng INC.

Daig na daig ang serbisyo publiko ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD).

Bukod po kasi sa medical mission ay namahagi pa ng “goods” ang INC.

Hindi po relief goods kundi “GIFT” para sa mga kababayan nating nangangailangan talaga.

Naging masaya po ang nasabing event dahil ramdam ng mga kababayan natin ang pagkalinga hindi gaya kapag pumipila sila sa DSWD na nagmumukha silang timawa.

Mabuhay ang INC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *