Saturday , December 21 2024

Dingdong, at saka itinanghal na Primetime King (After 15 yrs. sa GMA at nawala si Richard Gutierrez..)

PUMIRMA ng limang taon si Dingdong Dantes bilang isang Kapuso Artist sa Manila Polo Club. Thirty three years old na raw siya ngayon at nasa point na siya na gusto niya na kapag pumapasok sa isang commitment ay pangmatagalan.

Sa visual ng GMA 7, ipinroklama nila na Primetime King si Dong. Meaning, sarado na ang title na ito sa kanya. Kung may ibang papasok pa ay prinsipe na lang.

“Ako ay nagagalak. I’m very grateful  kasi looking back na 15 years ng pagsisilbi ko at naging kasama ko ang miyembro ng GMA, eh, parang in this stage sinabi na..binansagan ako ng ganoon ay nakatataba talaga ng puso. Siyempre, more to that ay ..hey, marami pa tayong gagawin. Let’s get the work done.

Paano na si Richard Gutierrez na dating Primetime King din na tinatawag? Nawalan na siya ng puwesto lalo’t hindi na siya nag-renew ng kontrata.

Basta sumasaludo si Dingdong sa mga achievement ni Richard at kumbaga ay nakasulat na raw ‘yan sa libro.

‘Yun na !

Edu, binuhay ang gabi ng televiewers

BINAGO at muling binuhay ng batikan at hindi matatawarang TV host-actor na si Edu Manzano ang Pinoy TV landscape ng Sabado ng gabi nang mag-pilot ang pinakabago niyang comedy talk show, What’s Up, Doods?, sa TV5.

Matagal-tagal ding na-miss ng fans at televiewers si Edu sa not-so-late-night talk show slot kaya naman tinutukan nila ang pagbabalik nito.

Maging si Edu, halatang ganado sa bagong programa.

Sa pilot telecast noong Sabado, may mga bagong pauso at pasabog si Edu. Nariyan ang challenge portion na talagang kinarir niya ang pagiging salon assistant, ha.

Kuwela ang ginawa niyang pagsa-shampoo sa isang customer, pagwawalis ng mga ginupit na buhok at pagbu-blow-dry ng girl.

Siyempre, gulat ang mga nagpapa-beauty, dahil hindi nila akalaing si Edu pala ang nagse-service sa kanila.

Engaging, interesting, at witty din ang naging takbo ng interview portion sa Boys Night Out at kay Georgina Wilson, na talaga namang lumaban ng Inglisan at pagpapatawa kay Doods, ha.

Marami rin ang nagkagusto sa portions na Praisebook, na isang tindera ang nag-donate ng kalahati ng kanyang panindang turon sa flood victims; at Bwitter, na isang viewer ang nag-bitter-bitter-an at nag-emote na ang pride, sa labada ginagamit, hindi sa isang relasyon.

Anyway, patok din sa manonood ang thought for the night ni Edu bago nagtapos ang What’s Up Doods?

Sey ng irrepressible host, “Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi rito?”

Funny na, timely pa!

Samantala, matatandaang unang sumikat si Doods bilang host ng Not So Late Night with Edu sa GMA-7 noong dekada ’80 at Late Night with Edu sa ABC-5 noong early ‘90s.

Taped as live ang dalawang unang episode, pero ang mga susunod, live na live na.

“As a host, you always want to put your best foot forward. We want to go live because unpredictability is very important thing in a talk show.  You have no control of what will happen so you have to learn how not to look too shocked if something happens that you don’t expect.”

Isa ang legendary Pinoy rock icon na si Joey ‘Pepe” Smith sa magiging guests ni Edu sa mga susunod na episode ng What’s Up, Doods?

Tagahanga pala ni Joey ang TV host-actor kaya masayang abangan kung ano ang kanilang pag-uusapan at magiging pakulo sa bagong kinagigiliwang comedy talk show.

Tutok na at huwag bibitiw tuwing Sabado ng gabi sa What’s Up, Doods?, 9:00 p.m. sa TV5.

Dawn, isang tunay na aktres

SA ilang linggo naming panonood ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa ABS-CBN Primetime Bida, hindi puwedeng hindi namin mapansin ang kahusayan ni Dawn Zulueta.

Given nang mahusay talaga si Dawn, patunay ang ‘di malilimutan niyang pagganap sa Walang Hanggan. Pero rito sa BNLKM, kakaibang Dawn ang nakikita namin. Dahil na rin siguro sa kaibahan ng role niya rito bilang Zenaida.

Dawn is playing the submissive and loving mom of Migue (Gerald Anderson).

In Walang Hanggan, she played Emily (Coco Martin’s mom), isang mabait pero later on ay naging palaban. But in BNLKM, iniba ni Dawn ang kanyang atake sa role.

Madadala ka sa mga drama scene niya lalo na noong hinuli at nasentensiyahan na si Miguel.

Ngayon kami naniniwala na kahit ilang beses mong gawin ang isang role, pero kung alam mong gawin ang trabaho bilang aktres, hindi ka pagsasawaan ng tao. ‘Yun ang kaibahan ni Dawn sa isang aktres.

Tsuk!

Tuesday, ‘di nagdalawang-isip sa Ang Turkey Man ay Pabo Rin

BAGO napabalitang nagpa-rehab si JM De Guzman, may natapos pala siyang movie na pinagsamahan nila ni Tuesday Vargas. Ito

‘yung Ang Turkey Man ay Pabo Rin na isa sa walong pelikulang kalahok sa CineFilipino na si Tuesday ang bida at title role.

Sey ng kanyang manager na si Olive de Jesus, nang i-offer daw sa kanila ito, hindi pa man nakikita ni Tuesday ang script ay umokey na agad ang komedyana. Bukod nga naman sa siya ang lead role ay kasama pa ang movie sa kauna-unahang CineFilipino Film Festival spearheaded by PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5 and Unitel Entertainment.

Sa pelikulang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay ginagampanan ni Tuesday ang papel na Cookie na may karelasyong Amerikano played by Travis Kraft at iikot ang movie sa pagsasama nila kasama na ang mga cultural differences, miscommunications, at mga karaniwang problemang nararanasanan ng Fil-Am couple.

Kasama rin sa movie si Julia Clarete mula sa direksiyon ni Randolph Longjas na siyang producer ng movie.

Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay may gala night sa September 19  sa Resorts World Manila at  6:15 p.m.. Mapapanood din ito on regular run sa Lucky Chinatown sa Binondo (Sept . 18, 20,  22,  24), Gateway Cinema (Sep.19, 21, 24),  Resorts World Manila (Sept. 21, 23) at EDSA Shangrila (Sept. 22).

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *