Sunday , December 22 2024

David “Bata” Tan, godfather ng rice smuggling sa BOC

ISA na namang “David Tan” ang sikat na sikat sa panahong nararanasan ang krisis sa supply ng bigas.

Ngayong nasa Ombudsman na ang usapin ng pork barrel scam, ang dapat naman pagtuunan ng atensiyon ni committee on agriculture chairperson Sen. Cynthia Villar ang isang nagngangalang DAVID “BATA” TAN at ang talamak na rice smuggling operation sa bansa.

Si David “Bata” Tan ang bagong HARI ng RICE CARTEL sa ating bansa ngayon at nasa likod niya ang grupo na nabansagang ‘RAKETEROS’ sa Bureau of Customs (BOC).

Ang damuhong si David “Bata” Tan ay napag-alaman din natin na siyang may MONOPOLYO ng IMPORT PERMIT mula sa National Food Authority (NFA), sa kagandahang loob na handog ng kanyang patron noon na si dating administrator Angelito ‘Lito’ Banayo.

Siya ang inuluwal at ibinunga ng ‘tuwad na daan” na tinahak ni Banayo sa NFA.

‘Buti na lang, hindi naging kongresista o mambabatas si Banayo dahil kung nagkataon ay siguradong mas lalong magiging mahirap para sa gobyerno na puksain ang mga kabuktutan nitong si David Bata Tan, sampu ng mga kasama niyang tulisan.

Si David Bata Tan din ang itinuturong nasa likod na nagpapakalat sa media ng mga ‘black propaganda’ at ‘demolition job’ laban sa mga kasalukuyang opisyal ng NFA.

Naghahari ngayon si David “Bata” Tan sa Customs at maitutulad siya sa conductor ng isang symphony orchestra na kumukumpas kung saang puerto ng Aduana sa bansa isasalida o palulusutin ng kanyang mga kasabwat ang mga smuggled na bigas.

Pero may pagkakataong mainit sa Customs kaya ang ginagawa ng pangkat ni David Bata Tan ay ibinabayad na lang ng mababang buwis ang kada 1×20 container van na kanilang ipinupuslit sa halagang P100,000.

Sakop ng malawak na rice smuggling operations at cartel ng bigas ni Tan ang mga ports at sub ports sa buong bansa – mula Luzon hanggang Mindanao – at ang nakapagtataka ay wala ni isang opisyal o tauhan ng Customs ang maglakas-loob na ibitin at harangin ang kanyang mga palusot na imported rice.

Ang grupong RAKETEROS na kasabwat ni David Bata Tan sa kanyang sindikato sa Customs ay kinabibilangan nina BOGART ATAYDE at NOEL BUNGAL na nagpapakilala rin sa pangalang ALEX SEE.

Kapag hindi nasawata ng administrasyong Aquino ang sindikatong ito, malaki ang tsansa na umabot sa P100 ang bawat kilo ng bigas kaya siguradong maraming mahihirap na mamamayan ang magugutom.

Kasabwat din ni David “Bata” Tan ang notorious smuggler sa na si MANING “JADE” SANTOS, ang tarantadong financier na nagpondo ng isang tabloid para kay Erap noong nakaraang 2013 election sa Maynila laban kay Mayor Alfredfo Lim.

Abangan n’yo na lang sa mga susunod nating kolum kung sino sina Bogart at Noel at kung ano ang kanilang mga modus at paraan na ginagamit sa pagpapayaman.

JINGGOY ESTRADA,

TUNAY NA ANAK

NG MANDARAMBONG

GUSTONG yugyugin ng mamamayan hanggang sa matauhan si Sen. Jinggoy Estrada nang mapanood siya kung paano magyabang na siya’y inosente sa kasong plunder at malversation sa pork barrel scam.

Akala yata ng trying hard na ‘artistang –senador’ ay mabibilog pa niya ang ulo ng publiko sa mga pa-cute at pagsisinungaling, kesyo wala raw siyang planong dungisan ang pangalan ng kanyang pamilya at inosente raw siya sa ibinibintang sa kanya.

Ano kaya ang tawag ni Jinggoy sa pagpapatalsik ng taong bayan sa kanyang amang si Joseph “Erap” Estrada bilang pangulo ng bansa dahil sa kasong pandarambong na napatunayan ng hukuman na totoong ginahasa ng kanyang tatay ang kaban ng bayan at nagsamantala sa kapangyarihan.

Sadya yatang idolo ni Jinggoy ang tatay niyang si Erap dahil parang Xerox copy ang modus operandi nilang mag-ama, ang tumanggap ng kickback mula sa mga kuwestiyonableng transaksiyon na pinondohan ng pera ng bayan.

Batay sa executive summary ng National Bureau of Investigation (NBI), ang kinamal na P183,793,750 ni Jinggoy mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay KICKBACK niya sa pag-eendoso ng mga proyekto sa mga bogus non-government organization (NGO) ni Janet Lim Napoles.

Habang si Erap naman ay tumanggap ng P189.7 milyong kickback o commission nang bilhin ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa halagang P1.8 bilyon ang shares of stock ng Belle Corporation na pagmamay-ari nila ng kaibigang  si Dante Tan.

Sa paglilitis ng kasong plunder ni Erap ay tumestigo sa Sandiganbayan sina dating SSS President Carlos Arellano at GSIS President Federico Pascual na pinilit sila noong Oktubre 1999 ni noo’y President Erap na ilagak ang pondo ng SSS at GSIS sa Belle Corp., na nalugi.

Nang naglalaway si Erap sa pagnanasa sa pondo ng SSS at GSIS ay sumagi ba sa kanyang isip na pera ‘yun ng milyon-milyong pobreng obrero at hindi kanya?

Nang hayok na hayok si Jinggoy sa kanyang PDAF, naisip ba niya na pera iyon ng bayan at hindi kanya?

Hindi talaga magbubunga ng santol ang puno ng mangga.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *