SINIMULAN na sa Senado kahapon ang imbestigasyon kaugnay ng pagtaas ng presyo ng bigas sa harap ng kalamidad at krisis sa seguridad ng bansa.
Pamumunuan ang pagdinig ni Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ang pagsisiyasat ng komite ay kaugnay ng Se-nate Resolution 233 na inihain ni Senator Loren Legarda na naglalayong malaman ang kasaluku-yang kalagayan ng supply ng bigas sa bansa.
Aalamin din sa pagbusisi ng Senado ang mga salik sa nakaaalarmang pagtaas ng presyo ng bigas at kung paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng pagbalangkas ng bagong polisiya at programa.
Ayon sa Department of Agriculture, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay bunga ng pansamantalang kakulangan dahil sa pag-iimbak ng bigas ng ilang rice millers at rice traders.
Nais alamin ni Villar kung sino ang nasa likod ng napaulat na rice shortage at kung sila ay negos-yante, ay dapat umanong papanagutin sa ilalim ng umiiral na batas.
(NIÑO ACLAN / CYNTHIA MARTIN)