Friday , November 22 2024

Dayuhan sa protesta binalaan ng BI

BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan  sa paglahok sa mga kilos-protesta at iba pang mass actions kaugnay sa pork barrel.

Kabilang din sa  mga pinaalalahanan ni  BI Officer-in-Charge Siegfred Mison ang mga  tourist visa holders na sakaling sumali sa mga rally sila ay mapatatalsik bunsod ng paglabag sa Immigration laws ng bansa.

Katuwang ng BI sa pag-monitor  sa mga dayuhan ang Philippine National Police (PNP) sa pagtukoy sa mga dayuhan na kabilang sa mga nagrarali.

“As we have repeatedly stated, foreigners have no business joining these rallies as the act amounts to violating the conditions of their stay as tourists,” ani Mison.

Pinalabas ni Mison ang kautusan  kasunod ng pagkakahuli sa  Canadian student na si Kim-Chatillon Meunier, na nakunan ng larawan  na kabilang sa anti-SONA rally noong July 26, 2013  malapit sa  Batasang Pambansa.

Bukod kay  Meunier, noong Agosto, ipinatapon ang  Dutch activist na si Thomas Van Beersum, napanood sa video  ng naturang anti-SONA rally habang pinagtatawanan  ang isang police Marikina  na  umiiyak.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *