Labag sa Konstitus-yon ang panukala ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes na buwagin na ang Sangguniang Kabataan (SK) at i-postpone ang SK election na nakatakdang makasabay ng halalang pambarangay sa Oktubre ngayon taon.
Ito ang upak kay Brillantes ng iba’t ibang sektor ng lipunan, partikular sa hanay ng mga kabataan bilang reaksiyon sa pahayag na: (1) Makatitipid ang pamahalaan ng P80-milyon kapag na-postpone ang SK elections; (2) Ang Sangguniang Kabataan ay “breeding ground for corruption; (3) Walang achievement o walang performance ang SK; at (4) Ganap nang ia-abo-lish ang institusyon ng Sangguniang Kabataan.
Ayon kay Neil Von C. Baria, 19, estudyante ng Dela Salle-Dasma, residente at dating SK chairman ng Barangay Bucana Sasahan, Naic, Ca-vite, isa umanong anti-kabataan ang naturang pahayag ni Commissioner Brillantes. Aniya, naka-limutan ng komisyoner na sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan ay naihahanda ang mga kabataan para sa susunod na henerasyon ng mga mamumuno sa bayan.
“’Di ba niya (Brillantes) pinahahalagahan ang pananaw ng dakilang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na nagsabing kabataan ang pag-asa ng bayan,” dagdag ni Baria.
Bilang pagpuwing sa katwiran ni Brillantes na makatitipid ang pamahalaan ng P80-milyon kapag na-postpone ang SK elections, ikinatuwiran ni Baria na ang budget umano para rito ay napondohan na noon pang nakaraang taon. Lahat aniya ng budget ng pamahalaan na ginagawa taon-taon ay ma-ituturing na isang batas.
Bukod dito, wala umanong sinoman o anomang institusyon ng pamahalaan ang maa-aring bumalewala o sumansala sa pagpa-patupad ng SK election. Kahit daw ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan na ang tanging tungkulin ay ipatupad ang nasabing batas (sa usa-pin ng budget) sa pama-magitan ng Comelec, at maging ang Comelec mismo ay wala umanong kapangyarihan na hindi ito isakatuparan, paliwanag ni Baria.
“Tanging Korte lamang ang lehitimong ins-titustyon na makapag-dedesisyon sa kawastuhan at kamalian ng isang batas lalo na’t may conflicting interpretation ang mga nasasangkot dito, gaya sa kaso ng pag-postpone sa SK election,” dagdag niya.
Kamakailan lang, ilang grupo ng mga kabataan na kumondena kay Brillantes ang nagsabing isang malaking pang-iinsulto umano sa right of suffrage ng mamama-yan lalo na ng kabataan ang pagtutol sa SK election ng bangkaroteng kukote ng komisyoner.
“Kung totoong laban siya (Brillantes) sa corruption, sumama siya sa mga martsa kontra Prio-rity Development Assistance Fund (PDAF) na P210-M kada termino ng mga congressman at minimum na P690-M sa bawa’t senador. Huwag nang sabihing may nakalaang mahigit na P3-B para sa Presidential Social Fund (PSF) ng ating Pangulo. Kaya mas ma-inam siguro na magsuri muna ang magiting na Comelec commissioner para makita niya ang tunay na breeding ground for corruption,” ayon sa nasabing grupo ng mga kabataan.