CEBU CITY – Agad binawian ng buhay ang dating Bombo Radyo anchorman at tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) na si Jessie Tabanao sa Escario St., Cebu City.
Ayon sa mga saksi, tumi-gil si Tabanao sa nasabing lugar sakay ng kanyang Mitsubishi Estrada (YFY-911) dahil may kinuha sa backseat nang biglang may isang hindi nakilalang lalaki ang lumapit sakay ng motorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.
Naniniwala ang mga im-bestigador na may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo ng pamamaril.
(BETH JULIAN)
MUNICIPAL COUNCILOR TIMBOG SA DROGA
NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang municipal councilor matapos maaktohang nagbebenta ng illegal na droga sa buy-bust ope-ration sa Davao del Norte.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nahuling suspek na si Romulo Esmino, Jr., 36, konsehal ng Dujali, Davao del Norte at negosyante ng Purok 6, Brgy. Poblacion, Dujali.
Inaresto si Esmino habang nagbebenta ng shabu sa poseur buyer ng PDEA sa nasabing lugar.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. (BETH JULIAN)