Friday , December 27 2024

Malik patay sa Zambo siege

091513_FRONT
KINOKOMPIRMA ng mga awtoridad ang impormasyon na kabilang sa mga napatay ang komander ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Ustadz Habier Malik sa nagpapatuloy na tensyon sa lungsod ng Zamboanga.

Sa kanyang twitter account, sinabi ni Major Harold Cabunoc, commander ng 7th Civil Relations Group ng Philippine Army (PA), mayroon siyang natanggap na impormasyon mula sa isang kaibigan na kabilang sa napatay na MNLF fighters ay mismong si Malik.

“There are strong indications that Ustadz Habier Malik has died. A friend from Sulu said that he was killed in the assault,” ayon kay Cabunoc sa kanyang twitter.

Bagama’t ayon kay Cabunoc, makukompirma lamang nila na napatay nga si Malik kung narekober na ang kanyang bangkay.

Si Malik ay sinasabing isa sa pinagkakatiwalaang komander ni Nur Misuari.

Taliwas sa pahayag ni Binay No ceasefire  — DND, DILG

TAHASANG itinanggi kahapon nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at DILG Sec. Mar Roxas na may ipinaiiral o napagkasunduang tigil-putukan sa Moro National Liberation Front (MNLF) – Misuari group sa Zamboanga City.

Ang dalawang opisyal ay kasalakuyang nasa Zamboanga City upang tutukan ang kaguluhan at mapayapang maresolba ang tensyon.

Sinabi ni Roxas, walang umiiral na ceasefire taliwas sa pahayag ni Vice President Jejomar Binay kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Roxas, nagpapatuloy ang operasyon ng mga awtoridad para masugpo ang karahasang dulot ng mga rebelde.

Habang naka-ere, ipinasa ni Roxas kay Gazmin ang telepono para linawin din ang kanyang panig hinggil sa ceasefire.

Inihayag ni Gazmin na wala silang komunikasyon ni Misuari at tanging si Binay ang kanyang nakausap na nagbanggit ng nasabing ceasefire.

“Hindi totoong nag-kausap kami ni Misuari, ang kausap ko si Vice President Binay kagabi. Ang sabi niya nagkausap sila ni Misuari para sa ceasefire, ang sagot ko ang ceasefire ay ma-implement kung sila ay titigil din ng putok. Kami sa military ay bumabawi o nagre-retaliate lamang sa putok nila, so kung titigil sila ng putukan, walang putukan. Tuloy tayo sa operasyon,” ayon kay Gazmin.

Giit ni Gazmin, paano nagkaroon ng ceasefire agreement kung dinig na dinig naman ang putukan ng magkabilang panig.

“Walang ceasefire agreement, tuloy ang operasyon, walang ceasefire,” ani Roxas.

Putukan muling  sumiklab

ZAMBOANGA CITY – Sa kabila ng pahayag ni Vice President Jejomar Binay hinggil sa sinasabing ceasefire, lalo namang tumindi ang sagupaan ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) – Misuari group sa Zamboanga City kahapon.

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagpapatuloy simula pa kamakalawa ng gabi ang kanilang operasyon laban sa mga rebelde.

Ayon naman sa ulat, binulabog ng malalakas na pagsabog at putukan ang Zamboanga City kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Una rito, nilinaw ng Malacañang na wala silang kinalaman sa negosasyon ni Binay kay Nur Misuari para magpatupad ng tigil-putukan sa Zamboanga City.

Death toll  umakyat sa 52

TUMAAS pa ang bilang ng mga namatay sa nangyayaring kaguluhan sa lungsod ng Zamboanga sa ikaanim na araw kahapon.

Sa ulat ni AFP spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, umakyat na sa 52 ang mga namatay kabilang na ang apat na sibilyan at 43 Moro National Liberation (MNLF) members.

Ayon kay Zagala, kabilang din sa bilang ng mga namatay ay ang limang PNP at military personnel habang nasa 46 government forces ang sugatan at 20 naman ang sibilyan.

Kinompirma rin ng opisyal na 19 MNLF members ang sumuko sa mga awtoridad.

Evacuees  62,000 na — DSWD

UMAABOT na sa mahigit 60,000 ang bilang ng mga nagsilikas na residente sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Zamboanga.

Ayon kay Nurraber Bue, ang provincial information officer ng DSWD, nasa 11,629 pamilya o katumbas ng 62,329 individual ang kabuuan ng bilang ng mga nagsilikas hanggang nitong Sabado ng umaga.

Sa Zamboanga Sports Complex pa lamang ay mahigit 44,472 na ang bilang ng mga nagsilikas dahil sa takot na maipit sa nagpapatuloy na standoff.

Bagamat may tulong na ibinibigay ang local at national government sa mga nagsilikas ay patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan ng tulong mula sa ibang grupo at pribadong sektor.

Ani Bue, kapos sila sa mga tauhan para mamigay  ng relief goods kaya’t maging ang mga evacuee ay pinatutulong na rin.

Kinakailangan ngayon ang mga kumot, diapers, gatas dahil marami ang mga sanggol sa evacuation centers, maging ang pagkain tulad ng noodles, bigas at mga delata ay mahalaga rin para sa mga kababayang apektado ng krisis.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *