KOREAN MAFIOSI SWAK SA REHAS. Bitbit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Immigration ang No. 2 most wanted criminal sa Korea na si Lee Byeong Koo alyas Bruce Lee na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad dahil sa patong-patong na kasong kriminal na kinasasangkutan ng puganteng dayuhan. (BONG SON)
NADAKIP ng mga operatiba ng Manila Police Distrcit ang number 2 most wanted criminal sa Korea sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon
Kinilala ni MPD Director, Chief Supt. Isagani F. Genabe, Jr., ang suspek na si Lee Byeung Koo, 53, alyas Bruce Lee, pansamantalang nanunuluyan sa 21st Floor ng Marina Condominium sa Mabini St., Malate, Maynila.
Sa panayam kay P/Senior Inspector Daniel S. Buyao, Jr., pinuno ng MPD District Police Intelligence Operations Unit o DPIOU, alas-4:30 ng hapon nadakip ang suspek sa isang Korean Resturant kanto ng Jorge Bocobo at Pedro Gil Sts., sa Ermita.
Una rito, itinimbre ng Interpol ng Korea sa Manila police, sa loob naman ng isang buwan ay isinailallim sa surveillance si Lee Byeung Koo.
Anomang araw, si Lee Byeung Koo ay pababalikin na sa Korea upang litisin sa iba’t ibang kasong kriminal ng Jeonju District Court ng Korea.
(LEONARD BASILIO)