ZAMBOANGA CITY – Umaabot na sa 22 ang bilang ng mga namatay habang nasa 57 na ang nasugatan sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sinasabing mga tauhan ni Nur Misuari, at tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Zamboanga.
Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (Westmincom), kabilang sa mga namatay ang 12 miyembro ng MNLF, tatlo mula sa Philippine National Police (PNP), dalawa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at dalawang sibilyan.
Sa 57 nasugatan, 29 ay sundalo, 22 sibilyan at anim na pulis. Nasa 19 naman ang naarestong miyembro ng MNLF.
Naniniwala ang tropa ng pamahalaan na may mga bangkay pang hindi narerekober mula sa MNLF lalo na sa mga lugar na hindi pa napasok ng militar bunsod ng umiiral na tensyon.
Mahigit pa sa 100 ang bilang ng mga sibilyan na bihag o ginagawang panangga ng mga bandido laban sa mga awtoridad.
(HNT)