INIHAYAG ng Manila electric Company (Meralco) na magdadagdag sila ng P18 sa kada 100 kilowatt (kWh) na konsumo ng koryente ngayon buwan.
Gayonman, halos hindi anila mararamdaman ng konsyumer ang pagtaas ng singil sa koryente dahil kadalasan naman sa mga household ay hanggang 100kWh lamang ang konsumo sa isang buwan.
Ayon sa Meralco, bagama’t bahagyang bumigat ang generation and transmission charges bunsod ng paggalaw ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na 13 sentimos kada kilowatt hour at ancillary service component ng transmission charge na 8 sentimos kada kWh, ito ay pinagaan ng tatlong sentimos na natapyas sa Power Supply Agreements (PSAs) at presyo ng Independent Power Producers o IPP.
Ayon pa sa Meralco, higit na mas mababa ang generation charge na P5.17 per kWh ngayong buwan kaysa P5.79 per kWh noong buwan ng Enero.
(MIKKO BAYLON)