HINDI mangingimi ang pamahalaan na gamitin ang pwersa ng estado para protektahan ang mga mamamayan kaya hinimok ang mga nasa likod ng Zamboanga City standoff na makipagtulungan upang malutas sa mapayapang paraan sa lalong madaling panahon.
Ito ang nakasaad sa pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon sa ika-apat na araw ng standoff sa nasabing siyudad ng tropa ng pamahalaan at pinaniniwalaang mga tauhan ni Moro National Liberation Front (MNLF).
Iginiit niya na sisikapin pa rin ng pamahalaan na lutasin ang naturang krisis sa mapayapang paraan dahil ang prayoridad ng estado ay ang kaligtasan ng mga sibilyan at mapanumbalik ang normal na pamumuhay sa Zamboanga City.
(ROSE NOVENARIO)