Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, pinababayaan pa rin ng Siete (Kahit kuminis na ang mukha at nawalan na ng pimples)

NAGSIMULA sa ABS-CBN 2 si Joshua Dionisio. Nakilala siya ng publiko dahil sa mga show na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Pero hindi pa rin satisfied ang bagets at ang mga magulang nito.

Nagdesisyon silang lumipat sa GMA 7 sa pag-aakalang dito ay mas lalong makikila at maaalagaan ang career ni Joshua.

Noong una ay okey naman ang pangangalagang ginagawa ng Siete kay Joshua. Lagi nilang itong binibigyan ng project at  binigyan pa ng ka-loveteam, si Barbie Forteza.

In fairness, sumikat naman ang loveteam ng dalawa. Pero bigla itong binuwag ng Kapuso Network nang tubuan ng mga taghiyawat si Joshua. Ipinapareha na ngayon si Barbie kay Derrick Monasterio.

Sa pagkabuwag ng tambalan nina Barbie at Joshua, biglang nangulimlim ang career ng huli. Hindi na siya binibigyan ng show ng Siete. Samantalang si Barbie ay hindi pa rin nawawalan ng show.

Sa pagkakaalam namin, ayon sa nakarating sa amin ay makinis na muli ang mukha ni Joshua. Wala na raw itong pimples. Pero bakit kaya hindi pa rin siya ulit binibigyan ng show ng Siete? Mukhang wala na silang balak na bigyan ng show ang bagets, huh!

Hindi kaya nagsisisi na ngayon si Joshua at ang pamilya nito sa ginawa nilang pag-iwan sa Dos at lumipat sa Siete?

Melai at Jason, magpapakasal na

SO, totoong buntis na nga si Melai Cantiveros courtesy of her boyfriend Jason Francisco. Kinompirma ito ng ABS-CBN 2 Star Magic, ang humahawak sa career ng dalawa. At sa pagbubuntis  ni Melai ay pananagutan at pakakasalan naman siya ni Jason.

At least si Melai, hindi ipinalaglag ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi siya tumulad sa ibang aktres na nang mabuntis ay nangibang bansa para roon manganak o ipalaglag ang bata. Hanga pa rin kami kay Melai dahil pinanindigan niya ang pagbubuntis, ‘di ba?

Kaya lang sa pagbubuntis ngayon ni Melai, siguradong tigil muna siya sa pagtatrabaho. Sayang naman ang kikitain niya. Siya pa naman ang bread winner ng kanilang pamilya.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …