Saturday , November 23 2024

Impeachment vs PNoy inismol ng Palasyo (Solons nagpapasiklab lang)

NAGPAPASIKLAB lang ang mga mambabatas na nais maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino  III at nais ilihis ang atensyon ng publiko sa pork barrel scam, ayon sa Palasyo.

“Well, they are lawmakers and they are entitled to file those actions in the law. We respect that. But we also believe that the public will see through this as a simple publicity stunt aimed at misdirecting public attention,” sabi kahapon ni Communications Secretary Ricky Carandang.

Inihayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) partylist Rep. Antonio Tinio na balak niyang maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino sa Kongreso dahil pinabayaang magpatuloy sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pagawawaldas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.

“There is absolutely no legal or moral basis to impeach the President and I think—I don’t think anybody would agree  that would have any basis,” dagdag ni Carandang.

“The public has been given revelations about alleged corruption in the spending of PDAF. And, I think, there are certain parties who are trying to misdirect it, for one reason or another, towards the President,” ani Carandang.

Binigyang-diin niya na kahit kailan ay hindi naakusahan ang Pangulo na ginasta nang hindi tama ang pera ng bayan at wala rin siyang PDAF tulad ng mga mambabatas.

(ROSE NOVENARIO)

Kasama  si Jeanette Napoles

PAGLABAS NG PHOTO OPS NI PNOY PALASYO DUDA SA TIMING

DUDA ang Malacañang sa tiyempo ng paglalabas ng litrato ni Pangulong Benigno Aquino III kasama si Jeanette Napoles, bunsong anak ng utak ng P10-B pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, dahil naganap ito sa panahong isasampa na ng pamahalaan ang mga kaukulang kaso laban sa mga nasa likod ng nasabing isyu.

Ito ang sinabi kahapon ni Communications Secretary Ricky Carandang ngunit idiniing wala siyang ideya kung sino ang nasa likod nito.

Nauna nang inamin ng Palasyo na orihinal ang naturang larawan na kuha noong Nobyembre 30, 2012 sa Cebu City sa pagtitipon ng Simbahang Katoliko sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Pinanindigan ng Malacañang na hindi kilala nang personal ni Aquino ang mga Napoles.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *