Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA management, sinisisi sa mga negative tsismis kay Marian?

TODO depensa ang mga bayarang tagapagtanggol ni Marian Something sa nasulat na nagkaroon ng tension nang bumisita siya sa taping ni Dingdong Dantes.

Pinaghihinalaang taga-production ang source ng negative chismis about Marian. Mayroon namang nagsasabing baka si Rhian Ramos ang may pakana ng negative issue about Marianita.

Halatang affected much ang kampo ng aktres dahil sunod-sunod ang pagtatanggol kay Marianita.

Ang nakapagtataka lang, may access naman kay Marianita ang defenders niya pero bakit hindi siya kinunan ng pahayag tungkol sa issue.

Mayroon pang isang defender si Marian na sinisisi pa ang GMA-7 sa pagkalat ng nasty rumor about the actress. Ano naman ang kinalaman ng GMA roon at bakit nila sisirain si Marian na prime artist nila?

Apparently, hindi nawawala ang negative issue kay Marianita kahit na may obvious drive para pagandahin ang image niya.

Edu, na-inspired sa OTJ kaya gagawa na raw siya ng indie film

NA-INSPIRE si Edu Manzano sa On The Job when he saw it sa sinehan. Sobrang inspired siya, actually, kaya naman gusto niyang i-try ang indie.

“Nakita ko ‘yung ‘On The Job’ ni Joel Torre. All of a sudden now ay bigla akong nagkaroon ng interest. ‘Yun ang gusto kong gawin. Now, I am thinking of doing a couple of indie movies. Na-inspire rin ako sa ‘Above the Clouds’ ni Ruru Madrid,”chika niya sa launching ng eight weekend shows ng TV5 na kinabibilangan ng What’s Up Doods? na show niya.

Sabi pa ni Edu, wala na siyang physical stamina to do soap operas.

“Noong 2004, noong ako’y na-appoint sa isang government position ay itinigil ko na ‘yung film. Noong wala ako sa gobyerno ay nakita ko ‘yung working conditions. Parang I felt at this stage of my life ay ayoko nang magtrabaho ng 30 hours because the next day ay halos gulay ka na, unproductive ka na,” sabi niya.

Now na hindi siya busy sa paggawa ng pelikula o soap ay mayroong time si Edu na i-enjoy ang kanyang buhay.

“I spend more time with my children and I’m so happy now because I realized how much I have neglected them before. It wasn’t enough to spend one or two days a week with them kaya mas happy ako ngayon,” dagdag pa niya.

Joel, milyon ang ginastos sa 1st bday ng mga anak

JOEL Cruz did turn his son Prince Sean and daughter Princess Synne’s first birthday party into a much-talked about event.

The Afficionado Germany Perfume president spent millions para lang maging napakalaking party ang unang kaarawan ng mga anak niya. It was held at the grand ballroom of Solaire Resort and Casino Manila. The venue was turned into one big party place for kids. Ang daming palaro, giveaways para sa mga bata at mga sosyal, ha. Ang winner nga sa palaro ay nag-uwi ng P10,000.

Mayroon ding performers to the delight of the kids. Sayawan at kantahan ang naging kasiyahan sa event.

Obviously, ayaw talagang pakabog ni Joel. Wala siyang sinayang na oras para maging isang malaking event talaga ang birthday ng kambal niyang anak.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …