ANG katotohanan na dapat mabatid ay iilang bedrooms lamang ang mayroong perfect feng shui.
Maliban na lamang kung maswerteng naidisenyo at naitayo ang inyong bahay ayon sa feng shui. Kung hindi ay dapat mong harapin ang ilang mga pagsubok upang makalikha ng good feng shui bedroom.
Simulan natin ang pagtalakay sa pinaka-common na feng shui challenges sa modern bedroom.
*Salamin na nakaharap sa kama. Huwag ipupwesto ang salamin sa harap ng kama o takpan na lamang ito.
*Kama na kalinya ng pintuan. Pintuan man ng bedroom, balcony/patio, ito ay hindi good feng shui. Ilipat ng lugar ang kama.
*Beams, fan o chandelier sa itaas ng kama. Huwag maglalagay ng mga ito sa itaas ng inyong kama dahil ito ay bad feng shui.
*Sharp energy na nakaturo sa iyo habang ikaw ay natutulog. Maaaring ito ay mula sa kalapit na nightstand, o mula sa isang furniture, katulad ng chest drawers, o sharp wall corner, i-neutralize ang sharp energy sa pamamagitan ng paglilipat ng lugar sa mga ito o paglalagay ng harang o halaman.
Lady Choi