Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walong bagong programa para sa ‘better weekend primetime’ ng TV5, aarangkada na!

MAY walong bagong programang ilalabas ang TV5 na tiyak na magpapabago sa mga Sabado at Linggo ng mga manonood!

Simula sa Setyembre 14, 6:00 p.m., mapapanood na ang isang bagong showbiz talk show na aaresto sa mga pinaka-wanted na intriga sa showbiz. Sina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, Lucy Torres-Gomez, at  Raymond Gutierrez ang magiging host ng Showbiz Police, ang bagong programang mag-iimbestiga, kikilatis, at hahatol sa mga pinaka-maiinit na intriga at kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz.

Samantala, magbabalik naman ang Tropang Trumpo stars Ogie Alcasid at Gelli de Belen sa tahanan ng mga gag show. Kasama sina Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn, Uytingco, Jasmine Curtis-Smith, Valeen Montenegro, Ritz Azul, Eula Caballero, at ang top scholars mula sa Artista Academy, sa pinakamakulit na barkada ngTropa Mo Ko Unli tuwing Sabado, 7:00 p.m..

Susundan ito ng buwis-buhay na karaoke challenges sa US game show na Killer Karaoke, 8:00 p.m.. at pagsapit ng 9:00 p.m., maki-party kay Edu Manzano sa kanyang bagong late night comedy talk show, What’s Up Doods?

Pagsapit naman ng Linggo, Setyembre 15, dadalhin tayo sa pinakamalalayong panig ng mundo ni Aga Muhlach sa Pinoy Explorer tuwing 6:00 p.m.. Muling tatanungin niBossing Vic Sotto kung ‘yan na ba talaga ang final answer mo tuwing 7:00 p.m. sa bagong season ng Who Wants To Be A Millionaire?

Kahit ma-ingat ka at may time, puwede kang ma-Wow Mali Pa Rin ni Joey de Leon na muling mang-gu-good time tuwing 8:00 p.m. at tuwing 9:00 p.m. naman ay palaging may concert ang hatid nina  Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa kanilang unang pagtatambal sa The Megal and the Songwriter.

Tiyak better ang Saturdays and Sundays nyo sa bagong Weekend Do It Better primetime programs sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …