Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon nina Cristine at Derek, gimik lang?

MAY pelikulang ipalalabas sina Cristine Reyes at Derek Ramsay kaya’t pinagdududahan ang kanilang relationship. Kahit umamin na sila ngayon, parang wala lang.

Hindi interesado ang publiko maging ang media dahil naroon ‘yung pagdududa sa kanilang naging pahayag.

Marami ang nag-iisip na gimik lang ito nina Cristine at Derek para pag-usapan, panoorin ang kanilang pelikulang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng Viva Films. Baka bukas makalawa sasabihin nila, naghiwalay na sila ng landas. Walang masama kung totoo ngang inlove sila sa isa’t isa. Pero, para pasakayin at paniwalain ang publiko, hindi yata tama ‘yun.

Maniniwala pa kaming totoo ngang magdyowa na sina Cristine at Derek kung pagkatapos ng pelikula nila at saka nila inamin ang kanilang relasyon. Alam naman natin na hanggang ngayon, isinisigaw pa rin ng puso ng sexy star ang pangalan ni Dennis Trillo. Maging si Derek ay nabalita rin na may non-showbiz girlfriend. Tapos ngayon, bigla na lang silang mag-uusap ng masinsinan para aminin ang totoong status ng kanilang love kuno relationship. Magsalita ka, Alex Brosas?

(eddie littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …