Monday , May 12 2025

Korte raw ang sisihin sa low conviction rate

NAGPAHAGING si Commissioner Biazon na tila tuloy na ang kanyang ipinangakong collectors reshuffle sa araw marahil ng kanyang 24th month (dalawang taon) bilang commissioner na hitik na hitik sa mga batikos na walang humpay mula sa kanyang mga —— at kampo ng mga importer.

Ang daing nila sobra raw ang smuggling at tila walang napaparusahang malaking isda sa loob mismo ng Bureau.

Aabot sa 146 ang mga tao or corporation directors ang nasampahan ng kaso sa Department of Justice (DoJ) sa loob ng tatlong taon ng Aquino administration. Ni isa wala pang nahahatulan na makulong, we mean smuggler.

Ano kaya ang dahilan? Katulad din marahil ng mga prosecutor ng DoJ na ayaw magsampa ng kasong smuggling sa korte kung mahina ang mga ebidensya. Sabi nga ni Ombudsman Morales kung mahina lang din ang ebidensya para que dadalhin pa sa Sandiganbayan. Mapapahiya lang ang Ombusdman.

Ang nangyari tuloy, nasisisi ni Biazon ang mga korte sa Zero conviction ng mga suspected smuggler na kinasuhan ng Customs. Paano naman Mr. Biazon mahina ang kaso ninyo. Tulad na lang halimbawa no’ng nawalang parang bula na 2,000 container vans noong 2011 sa ilalim ni PNoy. Hindi natin alam na kaya pala malabong tumakbo ang kaso ay sapagkat iyong tatlong trading company na kinasuhan ‘e MULTO pala. Kaya hayon tengga ang kaso. Kaya lang dapat inihabol ng Bureau leadership ang mga sarili nilang opisyales at employees na may kinalaman sa pagkawala. Ano ba ito? Mayroon krimen pero walang kriminal?

Nayon nga mismong Setyembre 15 ay ikalawang taon na ni Commissioner Biazon sa Bureau. Seguro sa loob ng panahon na ito kilala na niya o kaya may profile na siya ng mga smuggler. Dapat sabihan niya ang kanyang legal operatives na higpitan ang paghanap ng strong evidence para nang sa gayon makahuli kahit isang Big Fish.

Nasabi din ni Mr. Biazon na aabot sa P2.4 billion ang halaga ng mga goods na nakompiska tulad ng cellphone, at iba pang electronic gadgets, bigas at asukal, mga toys pati. Ang tanong ilang parte ng mga nasabat na mga goods ang naisampa na sa auction upang sa ganoon maging pera.

Buhat nang maging commissioner si Biazon, ni isang target niya sa loob ng bawat buwan ay walang naabot. S’yempre may dahilan siya. Kanyang inireklamo sa think tank at napapayag naman na bawasan ang kanyang target. Kaya lang hindi pa rin kaya.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *