Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaguluhan sa Mindanao pakana ng gobyerno?

ANG kaguluhan sa Zamboanga ay pakana umano ng kasalukuyang administrasyong Aquino upang mapagtakpan ang multi-bilyong pisong pork barrel scam na sinasabing kinasasangkutan din ng mga pul-politikong kaalyado ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon sa pahayag ni retired Bishop Oscar Cruz ang “pangungubkob sa Zamboanga” ay may basbas mula ilang maiimpluwensyang tao sa Malacañang para mailigaw ang sambayanyan sa isyu ng pork barrel. Ganito rin ang pahayag ng abogado ng MNLF sa mga mamamahayag.

“There is the so-called diversionary tactic. What is that? In order to deviate the attention of people from one issue, other issues will be made to surface…This crisis in Mindanao will divert the attention of the peoples from the pork barrel… There are people surrounding the president, who are very expert in these things,” he said.

Hindi natin alam kung totoo ang mga ibinibintang ni Bishop Cruz sa palasyo pero hindi imposibleng mangyari iyon. Totoong may mga “operator” na nagtatrabaho sa Malacañang na sanay na sanay sa ganitong mga estilo.

Kaya kahit na ano pang mangyari, hindi dapat mawala sa atensyon natin ang usapin ng pork barrel. Dapat magbayad ang mga magnanakaw ng ating pera. Dahil sa mga magnanakaw na ‘yan naghihirap tayo ngayon.

* * *

Ang mga palusot ng mga pul-politkong naiuugnay kay Janet Lim Napoles, ang pangunahing isinasangkot ngayon sa pork barrel, ay nakasusuka. Akalain ninyo na matapos nilang makasama sa maraming party at kainan ay hindi raw nila kilala.

Hahahahaha…ginagawa nila tayong mga tanga nang harap-harapan. Lokohin ninyo ang mga lelang ninyo. Matapos kayong maglagak nang limpak-limpak na salapi sa mga umano ay non-government organization ni Napoles (na non-existent pala) e hindi na ninyo siya kilala. Hahahahahaha o baka dapat ay bwahahahaha.

Kawawa naman si Napoles. Wala palang nakakikilala sa kanya kahit na kaututang dila na niya ang mga kasama niya sa litrato ng ilang beses. Grabe pala ang mga taong kausap niya…kunwari close sila pero pakitang tao lang pala…

Isa lamang ito sa napakaraming patunay na walang paninindigan ang mga hinayupak na pul-politikong ‘yan. Ipagkakanulo nila kayo kapag naipit na sila nang husto.

* * *

Sana ay hindi na matuloy pa ang balak ng United States na bombahin ang Syria at nang hindi na lalong magkagulo pa sa Gitnang Silangan at maapektohan ang mga kababayan natin. Malinaw naman na ang pangunahing gustong mangyari ng Amerika ay bunga lamang ng adventurismo at segunda razon na lamang ang makatulong sa mga taong nahihirapan doon.

Lalong lalakas ang mga pundamentalista sa lugar na iyon kung makikialam ang U.S. at mga kaalyado nila. Hayaan dapat na United Nations ang dumiskarte ng solusyon nang maging lehitimo ang lahat ng kilos.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …