ANG ibig sabihin ng jasper stone ay ang tunay na kahulugan ng enerhiya nito. Ang jasper ay very nourishing, warm at protective stone, ano man ang kulay nito, ito man ay yellow, green, blue, purple, o deep earthy red.
Ang Jasper ay kadalasang may stripes o bands na nagpapalakas sa healing and earthly energy ng batong ito.
Ang popular forms ng jasper ay kinabibilangan ng bloodstone (kombinasyon ng red o yellow jasper at green quartz), brecciated jasper (hematite and jasper) at mookaite (Australian jasper with purple, soft pink and red color).
Ang deeply nourishing, earthy jasper stone ay ginagamit libo-libong taon na ang nakararaan sa maraming kultura sa mundo.
At good feng shui ang pagsusuot ng jasper bilang alahas. Sa feng shui, ang jasper ay ginagamit bilang amulet at feng shui cures katulad din ng mystic knot, pi yao, wu lou, etc.
Maaari ring makakita ng maraming feng shui home décor cures na gawa sa jasper, mula sa Buddha hanggang sa elepante, turtle at marami pang iba.
Ang jasper ay mayroong espesyal na lugar sa maraming feng shui cures dahil ito ay isa sa pangunahing mga bato sa period 8 feng shui.
Matagal nang ginagamit ang jasper. Gayunman, ang ano mang piraso ng alahas o home décor ay higit na magiging epektibo kung pinili para sa espisipikong layunin.
Mabebenipisyuhan ng earthy, nourishing essence ng jasper kung kailangan ng higit pang enerhiya, katatagan, gayundin ng determinasyon sa pagsusulong ng iyong mga mithiin. Bagama’t maraming bato ang maaaring makatulong para manatili ang focus at determinasyon, ang black onyx at hematite ay ilan lamang sa halimbawa nito – ngunit ang enerhiya ng jasper ay iba.
Lady Choi