Saturday , May 10 2025

Colorum pasok sa Park and Ride terminal

You can’t let you failures define you. You have to let your failures touch you —President Barrack Obama

BAWAL na raw pumasok sa Maynila ang lahat ng mga public utility vehicles (PUVs) na hindi rehistrado sa LTFRB at LTO o ang mga tinatawag na colorum. Mahigpit itong tagubilin ni Presidente Joseph Estrada.

Pero ano itong nalaman natin na mismo sa loob ng Park and Ride Terminal na pinangangasiwaan ng pamilyang Javier ay pinapayagan pumasok sa kanilang terminal ang mga colorum na FXs at AUVs na may biyaheng Cavite?

***

SIMPLE lang naman kung paano malalaman ang isang colorum na PUVs. Ganito kung green plate at hindi yellow ang plate number ng lahat ng uri ng public transport—colorum ito!

Nalaman natin na libreng makapasok ang mga colorum na FXs at PUVs sa Park and Ride terminal tuwing Sabado at Linggo, kung kailan walang pasok sa opisina sa city hall.

Naku, hindi alam ni Presidente Erap ‘yan!

***

NOONG una sinuway ng Park and Ride Management ang kautusan ni Presidente Erap na gawing P75 ang terminal fee na kanilang sinisingil mula sa P120.

Ngayon naman ay pinapayagan naman nilang pumasok sa kanilang terminal ang mga colorum na FXs and AUVs.

Hindi kaya ginagago ng pamunuan ng Park and Ride si Presidente Erap?

***

PERO ayon sa ating mga asungot sa city hall, kaya pinapayagan ng Park and Ride na papasukin pati colorum sa kanilang terminal ay dahil sa ‘laki’ umano ng hatiang hinihingi ng ilang opisyal d’yan sa city hall.

Hindi na raw kaya ng Park and Ride  ang  “aboveboard” na kasunduan nila sa ilang opisyales ng city hall, kaya pati colorum ay pinapayagan na rin nila sa kanilang terminal.

‘Yan ang hindi alam ni Presidente Erap!

PARA KAY KABAYAD DE CASTRO!

UMAATUNGAL daw muli na parang asol ulol si Noli de Castro a.k.a. Kabayad este Kabayan at inirereklamo niya ang  pagkalat ng mga FXs at AUVs na umano’y ginagawang illegal terminal ang lugar  sa Bonifacio Shrine at Universidad de Manila (UDM) area sa Arroceros.

Okey sana ang komentaryo ni Noli, ang kaso ang inyong lingkod daw ang itinuturong may ‘hawak’ sa mga ito.

Bobo de hinayupak ka talaga Kabayad!

***

BAKIT  hindi ka bumaba sa magara mong sasakyan at alamin kung ang inyong Lingkod ang totoong may ‘hawak’ sa kanila?

For your info Kabayad este Kabayan, ang grupo ng nangangalang Letty Ariola, Arnel at Levy ang nag-o-operate ngayon ng mga illegal terminal d’yan sa Lawton.

Sila ang birahin mo hindi ako!

***

SA totoo lang hindi ko naramdaman na naging Bise Presidente pala natin si Noli sa loob ng anim na taon.

Paano natin mararamdaman, e, wala naman siyang matinong nagawa sa bayan noong siya ang Vice President!

***

TEKA nasaan na nga pala si Delfin Lee?  si Delfin ang bff ni Noli na  nagpasok  ng kontrata ng Globe Asiatec sa Pag-IBIG fund na kanyang pinamumunuan noon. Si Lee ay wanted sa batas dahil sa pamemeke sa mga benepisaryo ng Pag-IBIG members na umaabot sa bilyong piso.

Ginamit ang pondo ng mga Pag-Ibig holders para sa pagpapatayo ng mga condominium at housing projects ng Globe Asiatec na natuklasan mga dekadente at sub-standards.

Wanted si Delfin Lee, habang si Noli ay sitting pretty, whoaaa!

PASOK SA OBLO!

BLIND ITEM muna tayo mga Kabarangay. Sino itong isang opisyal sa Metro Manila na ngayon  daw ay nagtatago dahil sa natanggap na suspension order mula sa Office of the Ombudsman, kaugnay sa graft cases na kinaharap niya noong nakaraang taon.

Ayon sa ating mga asungot, lumipad na raw patungong ibang bansa ang opisyal dahil may lumabas na suspension order mula sa kanya, nitong nakaraang Linggo lamang.

***

ITO umano ang dahilan kung bakit hindi mahagilap ang opisyal sa kanyang opisina ng kanyang mga constituents.

Pero giit umano ng opisyal, isang political harassment lamang ang kanyang kaso,  makaraang kumampi siya sa isang bantog na oposisyon.

***

NAG-UGAT umano ang kaso ng opisyal dahil sa nabukong mga ‘multong kawani’ ng Lungsod na kanyang inaalagaan mula noong 2007.

Tumatabo ng milyong piso kada taon ang opisyal sa kanyang mga alagang ‘multo’ hanggang matuklasan ng tesorero ng Lungsod.

***

NANG maglabasan sa media ang isyu, hindi itinatanggi o kinokompirma ng opisyal ang bintang laban sa kanya, bagkus ang lagi niyang sagot sa mga makukulit na reporters na nagtatanong sa kanya ay isang “political arassment” lamang laban sa kanya.

Sa totoo lang, hindi simpleng graft cases ang kinakaharap ng opisyal kundi pasok ito sa plunder case na walang kaukulang piyansa.

Kapag nahuli ang opisyal, t’yak pasok siya sa OBLO! Bwa ha! ha!

Para sa anumang komento, mag-email sa joy_column@yahoo.com. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing  Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *