TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III, maisasampa na ang mga kaso laban sa mga taong sangkot sa P10-B pork barrel scam sa Biyernes hanggang sa Lunes.
“Iyong the first charges with regards to this issue, I understand, will be filed not later than Monday. There is a possibility it can be filed by Friday,” sabi ni Pangulong Aquino.
Umiwas ang Pangulo na direktang sagutin kung kasama sa mga kakasuhan ang mga mambabatas na nagbigay ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa non-government organizations (NGOs) na kontrolado ni Napoles, sa panahon ng kanyang administrasyon, batay sa 2012 Commission on Audit (COA) report.
“Ang hirap naman mag-commit right now, ano. Meron tayong very short briefing that I got on items in the 2010 budget. Natandaan ninyo no’ng pumasok tayo July — well June 30 ako noon, 2010. The budget for 2010 was already operational at that point in time. Merong fund doon, may two years na continuing appropriation at iyon ang pinagsu-suspetsahan namin na naitago sa isang kompanya called Philforest at doon nagamit. Now, is it connected to Napoles? Iyong…I cannot say categorically at this point in time. Dahil baka we will be talking less and less ‘coz we will be filing more and more cases about this particular issue,” wika niya.
ni ROSE NOVENARIO