Sunday , December 22 2024

‘Patulo’ ni ‘Palawenyo,’ sa Navotas fishport walang sinasanto at walang kinatatakutan

00 Bulabugin

ASTIG na astig raw ang arrive ng isang alyas ‘PALAWENYO’ na itinuturong operator ng illegal na negosyong ‘PATULO’ sa Navotas Fish Port.

Wala raw kinatatakutan at sinasanto ‘yang si ‘Palawenyo’ kaya ang kanyang operasyon ay naisasagawa niya sa mismong ‘tungki ng ilong’ ng mga kagawad ng PNP Maritime Group.

Hindi natin alam kung masyado bang ‘MATATANGOS’ ang ilong ng mga kagawad ng PNP-MG kaya hindi nila nakikita o napapansin man lang ang operasyon ni alyas ‘Palawenyo?’

Kaya naman hindi na kailangan magtago-tago o sumimple-simple pa ni alyas ‘Palawenyo.’

Sa ngayon nga ay lantaran kung isagawa ni ‘Palawenyo’ ang pagpapatulo ng langis at krudo sa mga nagyayaot na barges at barko sa               Manila Bay.

Simpleng-simple lang ang tirada ni ‘Palawenyo’ sa kanyang patulo operations.

Ang mga bangkang ‘PALAWAN’ at ‘HAGIBIS’ ang ginagamit nila sa kanilang operations na ang tumatayong lider ay anak ni Palawenyo na si Brando alyas Damulag.

Kung iniisip ninyong ‘konti’- container lang ang patulo ni alyas ‘Palawenyo’ e nagkakamali kayo.

Drum-drum ang nasisipsip ng operasyon ng Father & Son na sina ‘Palawenyo’ at Damulag kaya huwag na tayong magtaka kung sandamakmak din ang KWARTANG pumapasok sa kanilang bulsa.

Daig pa ng Father & Son tandem ang mga bampira at drakula sa lakas sumipsip ng langis sa mga barge at barko. Nasa laot pa lang ay sinisimulan na nila ang kanilang ‘OPERATION PATULO.’

Walang habas at dere-deretso ang operasyon ng mag-amang Palawenyo at Brando kapag nasa laot pa habang ang kanilang sanrekwang kostumer ay nakaabang naman sa Navotas Fish Port.

Bukod d’yan nakapila rin sa bahay ng Father & Son tandem na sina Palawenyo at Brando sa Area 1 sa Dagat-Dagatan, Navotas ang mga kostumer nila na bumibili ng mga nakaw na produkto.

Makikita rito ang mga operator ng bangka, truck, at oil tanker na nag-uunahan sa pagbili ng mga produktong petrolyo na ibinebenta ng mag-amang dorobo sa murang halaga lamang.

Kung noong una ay happy lang ang mag-ama ngayon ay HAPING-HAPI sila lalo na nang medestino bilang hepe ng PNP-MG sa Navotas Fish Port ang isang ‘Major Combo’ na ang itinuturo namang bagman ay isang alyas Villnueva.

Hindi lang ang Father & Son tandem ang itinuturong utak ng ‘PATULO’ sa d’yan sa Navotas Fish Port.

Bukod sa mag-amang ‘Palawenyo’ at ‘Brando Damulag,’ utak din ng ‘patulo’ sa Pier sina Joel, Badong, Erwin at Burot, mga retirado at aktibong miyembro ng PNP-MG.

Ang tagasikwat naman nila ng langis at krudo sa mga barge at barko ay isang ‘Elmer Tulak,’ isang kilabot na pusher sa karagatan.

Ngayon sino ang maysabing payapa ang dagat kung nagyayaot d’yan ang mga ilegal?!

Mayroon pa pong karugtong. Huwag bibitiw.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

PERHUWISYONG PERYA-PASUGALAN SA CAMARINES SUR PROTEKTADO ‘DAW’ NG PNP

IBA rin naman ang asim ng PERYA-SUGALAN d’yan sa Camarines Sur.

Mantakin ninyong gamitin pa ang religious activity na Calabanga Fiesta para sa operasyon ng kanilang perya-sugalan.

Humahataw ang tatlong pwesto nina JUN NEGRO at ALONA sa LCC MALL, sa tapat naman ng PUREGOLD ay kay alyas BABY PANGANIBAN habang sa Peñafrancia Avenue ay hawak nina ALLAN ABOGADO.

Lahat ‘yan ay sa makasaysayang lungsod ng Naga.

Matagal na umano nilang inirereklamo ang mga ilegal na pasugalan dahil bukod sa masamang impluwensiya sa mga kabataan ay perhuwisyo talaga sa KAINGAYAN!

Hindi lang simpleng pasugal ito, may halo pang DAYAAN ang perya-sugalan na ‘yan.

Ano kaya ang ginagawa ni NAGA police chief, Sr/Supt. Abdulkadil Guilani?!

Mukhang nagpapalamig-lamig lang din sa kanilang mga opisina sina Regional Director Chief Supt. Clarence Guinto at Camarines Sur Provincial Director Sr/Supt. Ramiro Bausa.

Isang HENERAL at dalawang KERNEL pero mukhang napapaikot lang kayo nina Jun Negro, Alona, Baby Panganiban at Allan Abogado.

Aba ‘e dapat na kayong magbalot-balot kung hindi ninyo kayang ipatupad ang ONE STRIKE POLICY ni PNP Chief Alan Purisima!

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

“LET SPEND THE NIGHT” WITH BOBBY MONDEJAR & FRIENDS (BOY, JOEY, WALLY & BREEZY)

090713 acoustic bobby

TONIGHT is the moment for “AN ACOUSTIC NIGHT” by Bobby Mondejar & Friends (Boy Collado, Joey Urquia, Wally Singson and Breezy Mondejar) with Philippines’ Baritone voice Noel Cabangon. Don’t miss your chance to hear this folk, rock and acoustic band that will give you the best of their sounds and music at Moomba Bar & Café at Mother Ignacia St., corner Roces Avenue, Quezon City at 7:30 p.m.

Hindi lang tayo aaliwin ng Bobby Mondejar & Friends kundi dadalhin nila tayo sa isang panahon ng ating buhay.

Ang special guest nilang si Cabangon ang boses sa likod ng Kanlungan (sabi ng iba kapag nagre-request, pana-panahon), isang awiting tiyak na ”ibabalik ka sa iyong kamusumusan.”

Para sa mga regular and avid fans ng Bobby Mondejar & Friends (na kinabibilangan nina Boy Collado, Joey Urquia, Wally Singson, at Breezy Mondejar), ang himig ng banda ay taga sa panahon (original composition man o cover version ng mga kilalang folk & rock band/group or individual sa buong mundo).

Isang acoustic band, pero gugulatin kayo ng Bobby Mondejar & Friends kung paano nila mahusay na naisasalin ang maharot, malikot, at nakakikiliting tunog ng pamosong Hotel California ng Eagles sa hawak nilang acoustic instruments.

Si Mondejar, ang leader of the band, vocals at guitar; samantala sina Collado, vocals at guitar; Urquia, vocals, harmonica, at  guitar; Singson, vocals, wind and percussion; at Breezy, vocals and percussion.

Sa umpisa’y iduduyan nila kayo sa folk songs na sumikat noong 70s, 80s and 90s.

Paiindakin din nila kayo sa pamamagitan ng mga classic medley, disco songs, reggae at soft rock ng mga kinilalang banda sa loob ng apat na dekada.

Kasunod n’yan, isi-swing nila kayo sa tugtog at kanta ng mga lokal na banda sa bansa at muli nila kayong paiibigin sa komposisyon ng ating mga Filipino balladeer and Pinoy pop singers … promise… kahit maputi na ang buhok ninyo.

Pero higit silang pinapalakpakan sa kanilang mga orihinal na komposisyon gaya ng Morena, Let’s Spend The Night, at I Still Believe In Us Together.

Orihinal na miyembro ng pamosong HIYAS Band , noong 70s & 80s, pinasikat nila ang mga awiting High School Memories, If you Still Love Me, I Don’t Want You, I Still Believe In Us Together, I’m A Loser, I Can’t Get You Out Of My Mind, Afraid of  Love, Bad Times Are Good Times, at Never Gonna Make It Without You.

Karamihan dito ay ginamit na soundtrack para sa pelikulang Bagets ni Aga Muhlachnoong 1984.

Noong 1981, ang HIYAS Band ay naging front act ng Little River Band (kumanta ng Cool Change at Reminiscing) sa Folk Arts Theatre (Tanghalang Francisco Balagtas) nang magdaos ng concert sa bansa ang nasabing Australian rock band.

Sa gabing ito magpupugay din ang Bobby Mondejar & Friends sa pumanaw na Pinoy rock artist ng The Frictions na si Romy “Tats” Clemente.

Para sa detalye at tickets makipag-ugnayan kay Ms. Blenda 0932.849.5778 at kay Ms. Paz sa Moomba sa telepono bilang 371-1973; 371-2487; 431-9431; 373-2487 o kaya i-LIKE sa Facebook ang https://www.facebook.com/BobbyMondejarFriends.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *