Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai at Jason, ibang klase ang love story

NAGSIMULA sa Pinoy Big Brother ang magandang pagtitinginan nina Melai

Cantiveros at Jason Francisco. Eventually, itinanghal si Melai bilang fifth female Big Winner ng naturang reality show ng ABS CBN.

Marami ang kinilig sa dalawa nang nasa bahay pa sila ni Big Brother at naging daan ito ng kanilang instant fame. Sa loob ng Bahay ni Kuya, animo aso’t pusa ang dalawa. Pero tila ito naman ang kanilang naging sikreto, ang kanilang pagpapakatotoo kung bakit sila minahal ng kanilang fans.

Nagtuloy-tuloy ang kanilang on and of screen romance, hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lang na nag-break na sila.

Nag-iiwasan sila sa isa’t isa at may mga maaanghang din naman silang naging pahayag. Pero nang kalaunan ay nabalitaan na lang na pagsasamahin daw ulit sa isang project ang dalawa.

Matatandaan din na ang naging rason ni Jason, kung bakit niya sinapak noon ang kasama sa Banana Split na si John Prats ay dahil madalas daw nitong buskahin si Melai.

May mga nag-aakalang gimmick lang ito, o kaya ay palusot lang ni Jason sa kanyang ginawa kay John.

Pero sa nangyari lately, nang sumambulat sa lahat na buntis nga si Melai (two months) at si Jason ang ama, puwedeng sabihin na true love nga siguro ang nangyari sa dalawa.

Sa ngayon ay nagpaplano na silang pakasal at sinabi ng komedyana na hindi siya nag-aalala nang nalaman niyang nagdadalantao siya dahil ginusto naman daw talaga nila ito.

“Noong nalaman ko talaga iyon, hindi talaga ako kinabahan kasi gusto naman na talaga namin ni Jason. Noong nagbalikan kasi kami, parang gusto na kasi talaga namin na i-level up ang aming relasyon,” saad ni Melai.

“I’ll always be here for you. Grabe na rin ang pinagdaanan ng relationship natin, kinaya natin yun kasi sobrang love natin ang isa’t-isa. I love you,” pahayag pa niya sa interview ng The Buzz kamakailan.

Sa panig ni Jason, nangako siya na hindi niya iiwan ang responsibilidad niya sa kanyang pamilya, dahil siya ang breadwinner sa kanila. Pero binigyan diin din ng actor na iba na ang magiging sitwasyon dahil magkakaroon na rin siya ng sarili niyang pamilya.

Ayon pa kay Melai, matapos niyang manganak ay magbabalik ulit siya sa showbiz.

Kapag wala kang bashers, di ka na importante sa tao

— Gretchen Barretto

ISA si Gretchen Barretto sa madalas puntiryahin ng bashers sa social media. Ibang klase nga ang magnet niya sa mga taong either iniidolo siya o sobrang naiinis sa kanya.

May mga pagkakataon na sinasagot niya ang ilang isyu mula sa kanyang followers or fans sa kanyang Instagram account. Para sa magandang aktres, normal lang naman na magkaroon siya ng bashers.

“Hindi naman, that’s all part of life. Puwede ba namang wala kang bashers? E di kapag wala kang bashers, e di ka na importante sa tao.”

Ayon pa sa kontrobersiyal na aktres, ang mga bagay na pinagdadaanan niya sa buhay ay nagsisilbing instrumento para mas maging matatag ang kanyang personalidad.

“Nagiging matatag ako dahil sa lahat ng pinagdaanan kong problema and I am who I am because of all that and I’m grateful. Ganoon naman ang buhay, hindi perpekto, hindi ba?” saad pa niya sa isang panayam.

Showing na ang pelikula ni Gretchen na may titulong The Diplomat Hotel. Isa itong suspense-horror movie na tinatampukan din nina  Joel Torre, Art Acuña, Mon Confiado, Nico Antonio, Sarah Gaugler, at iba pa, mula sa panulat at direksiyon ni Christopher Ad. Castillo.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …