Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala pang matino sa MWSS este, sa water rate rebasing

HINDI pala natuloy ang pag-anunsyo ng Metropolitan Waterworks para sa water rate rebasing. Ano kaya ang naging problema? Ano pa kundi dahil sa katangahan este, mali sorry wrong choice of word kundi nagkaproblema raw sa question and answer blues sa pagitan ng MWSS Regulatory Board at MWSS Board of Trustees (BOT).

Paano kasi, naging palpak daw ayon sa naligaw na daga sa MWSS ang naging resulta  ng pinakahuling board meeting last week kaya, hindi nagkaroon ng rate determination ang MWSS para sa rate rebasing. Masasabing palpak kasi, hindi nakayang sagutin nang matino ng RO ang mga katanungan ng BOT. Baka naman hindi rin kasi matino ang mga katanungan. Kaya naging  palpak ang lahat. He he he… Hindi naman siguro sila palpak dahil matatalino at matitino naman sila.

Hindi kaya, kaya pumalpalpak e dahil wala sila sa katinuan este, mali I mean ay wala pang positibong nangyari sa Q & A portion. Kaya walang pag-aanunsyo para sa water rate rebasing.

Sa sunod naman po kasi, kayong matitinong BOT o malilinis na opisyal na hindi marunong magnakaw, sa susunod ay matitinong tanong ang itanong n’yo este, dapat maging handa kayong mga taga-RO sa matitinong mga taga BOT.

Balita ko’y … heto lang naman ay kung totoo. Gumastos pa ang RO ng P60M para sa consultant package nito para sa rate rebasing review. P60 milyon!? Baka naman P60.00 lang kaya walang maisagot na matino ang RO sa BOT. Well, iyan lang naman ay kung gumastos nga sila ng P60M.

Walang problema sa P60M kung sakaling totoo man ito. Lamang, ba’t wala sa katinuan este, ba’t di makasagot nang matino ang RO? Sa’an napunta ang P60M?

Heto lang naman, kung totoong nagbulsa sila ng P60M este, sorry po mali ulit at ang dapat na sabihin ko pala e, kung talagang kumuha ang RO ng consultant, ang dapat ay nasagot nila nang matino ang  lahat ng mga katanungan ng matitino at malilinis na BOT. Hay, Booo…booo!!! Ops, kantiyaw ‘yan ha at hindi ko sinasabing BOBO kayo. Booo … booo!!!

Matatandaan, nang nagkaroon ng problema sa water adjustment, nag-ala Poncio Pilato ang RO at kung sino-sino ang ipinagtuturong dapat managot.  Kaya, hindi na tayo magtataka kung sakaling palpak ang plano sa water rate rebasing ngayon.

Importanteng isaulo ngayon ng RO at BOT na maisalba ang  serbisyo ng kasalukuyang patubig dahil naisaayos na ito simula nang pasukin ng gobyerno ang Public-Private Partnership (PPP’s) sa water concessionaires na siya namang nagbigay-daan upang magkaroon ng malinis na inuming tubig  ang kamaynilaan at karatig probinsya. At 24/7 pa ang tubig ngayon. Hindi tulad noon unang panahon ay gapatak na lang … bibihira pa.

Kaya sa oras na magkamali sa desisyon ng BOT, malamang ang buong madla ang magagalit— oo, sa oras na magkawindang-windang muli ang serbisyo ng patubig ng dalawang kompanya at muling maranasan ang palpak na serbisyo noon ng ating gobyerno.

Madali lang naman ‘yan e … matinong desisyon? Opo, iyan lang naman ay kung talagang gusto ng BOT ng matinong desisyon. Pero kung ayaw nila, madali lang din. Di ba? E di gumawa ng palpak na desisyon

Ngunit naniniwala tayong hindi naman gagawa ng palpak na desisyon ang RO at BOT dahil…mga matitinong nga sila. Saan sila matino? Hindi ko pa alam…hayaan n’yo aalalim natin iyan.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …