Saturday , December 21 2024

Toyota Pasig branch manggagantsong tunay?

00 Bulabugin

BINABALAAN po natin ang mga nagnanais o nagbabalak bumili ng kotse o ano mang sasakyan d’yan sa Toyota Pasig Branch.

Isang kaibigan natin na bibili sana ng Toyota Innova Diesel matic pero imbes masiyahan ‘e nakunsumi lang nang husto.

Ganito po ang nangyari:

Siyempre pinag-fill up siya ng application form ng ahente ng Toyota Pasig. After two days tumawag sa kanya ang isang ahenteng nagpakilalang si MARCIAL.

Na-approve na raw ang application niya sa East West Bank at pinapupunta siya sa Toyota Pasig para mag-full down payment worth P160,000 para mailabas umano ang kotse the next day.

Pero kinabukasan, tumawag ulit sa kanya si Marcial para mag-sorry. Hindi pa raw pala na-approve, nagkamali raw siya. Kaya sabi no’ng kaibigan natin, “Di bale, ire-refund ko na lang ‘yung down payment ko.”

Pero ayaw pumayag ng Toyota agent, ipapasok na lang daw niya sa ibang financing. Sa madaling sabi, pumayag ulit ‘yung kliyente.

After a week, tumawag ulit ‘yung agent, kasi na-deny na naman daw ‘yung  application niya.

Ang hindi alam ng agent habang hinihintay niya ang kanyang application sa Toyota ‘e nag-try siyang mag-apply sa Honda.

Approve agad siya sa Honda, kaya nga kailangan na niyang makuha ‘yung P160,000 na ibinigay niya sa Toyota Pasig.

Heto na naman, sumagot na naman si Marcial. Kesyo, it takes  a week daw bago ma-withdraw ang kanyang down payment.

Anak ng pusa…naman!!!

Ano ba ang palagay ni Marcial, ENGOT ‘yung kaibigan natin?! Hindi ba malinaw na napaikot na niya ‘yung pera no’ng tao pero kahit gulong ng KOTSE ay wala siyang maipakita?

Mantakin ninyo, pero na no’ng kaibigan natin ‘e pinaghihintay pa siya ng isang linggo para maibalik sa kanya ang kanyang kwarta?!

Samantala noong tinawagan siya ni Marcial ng Toyota Pasig at sinabing kailangan niyang mag-down, within two hours ‘e nai-deliver niya agad ‘yung pera. Tapos ngayong babawiin na niya pinaghihintay siya ng one week na halos ilang linggo na rin nabinbin?!

SONABAGAN talaga!

Ang malungkot d’yan, baka ‘yung sinasabing one week ‘e hindi naman totoong maire-release  ‘yung P160,000 at mayroon na naman bagong ALIBI ang kamoteng ahente.

Hoy MARCIAL ng Toyota Pasig, isoli mo na agad ‘yang pera ng kliyente mo!

Ano ba ‘yan, bagong raket n’yo!?

DPWH DIRECTOR JUN GREGORIO SINIBAK NA SA SPECIAL BRIDGE PROJECT
(PAKIBASA LANG PO DPWH SEC. ROGELIO SINGSON)

Sir Jerry:

Nais ko pong magpasalamat sa inyong aksyon na ginawa at ginagawa upang maiwasto ang anomalya sa bidding sa DPWH equipment.

Sa wakas ay inilipat na si Direc-TONG Gregorio sa ibang Bureau sa DPWH. Si Tess Paculan o Tess Bukulan naman ay nagmamadaling nag-file ng retirement dahil naamoy n’ya na magpa-file ng kaso laban sa kanya ang iba pang bidders na binukulan n’ya.

Si Direc-TONG Gregorio naman ay kinubra pa ang aming maliit na allowance sa TWG at ibinulsa n’ya.

Kami raw kasi ang nagbibigay ng information sa media at binantaan kami lahat na s’ya ang masusunod kung ang usapan ay equipment sa DPWH. Hindi nakarating sa amin ang aming honoraria sa TWG kahit tahasang sinabi ng chairperson ng BAC na ipinare-release na n’ya ang aming honoraria at ito ay kunin dapat kay Direc-TONG Gregorio.

Napakawalanghiyang tao, pero pasalamat na rin kami dahil nawala na s’ya sa amin. Hanggang sa huli, pinalalabas pa n’ya ang notice of award para sa wheel mounted excavator na ini-award n’ya sa civic, gayong hindi rin naman nag-comply sa documentary requirements na nakasaad sa bidding documents.

Pabaon ba ‘to sa kanya? Milyon ang tinanggap n’ya rito.

Muli ang aming pasasalamat. (name withheld upon request)

MARAMING salamat din po sa inyo … sa inyong pagsisikap at katapangan na harapin ang isang tiwaling opisyal na gaya ni Director Gregorio.

Sa inyo po kami kumukuha ng mga impormasyon at lakas ng loob para panindigan ang aming mga  isinusulat. Kaya nga po masugid naming sinusuportahan ang Freedom on Information (FOI) Bill. Naniniwala kaming mga mamamahayag na mas madaling masusupil ang korupsiyon kung magkakaroon ng access sa impormasyon ang media at ang sambayanan.

Sana po ay tularan kayo ng ibang ahensiya ng ating pamahalaan na mayroong namamayaning katiwalian.

Tama po ang ginawa ninyo. Kung sino ang nakaaalam ng katiwalian sa loob ng isang ahensiya ng pamahalaan ay sila dapat ang manguna sa pagpapabatid nito sa madla.

Mabuhay po kayo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *