Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taulava gagamitin ng Air21

KAHIT nais siyang kunin ng Barangay Ginebra San Miguel, sinigurado ni Air21 head coach Franz Pumaren na gagamitin si Asi Taulava sa Express.

Nakuha ng Express ang karapatan nila kay Taulava nang itinapon nila sina Mike Cortez at James      sa Meralco.

Bukod  kay Taulava, nakuha rin ng Air21 si Mark Borboran mula sa Bolts.

“Definitely magagamit ko yan. Asi is exactly what we need,” ayon kay Pumaren.

“In the last few games, we were really outclassed in the middle. The advantage with Asi is he can give us size, he can intimidate other people, he can give us scoring underneath. He is the missing piece we need right now because he is so good for his size.”

Naging importante para sa Ginebra ang pagkuha  nito kay Taulava lalo na wala sina Kerby Raymundo at Japeth Aguilar dahil sa kani-kanilang mga pilay.

At dahil kulang sila sa tao sa ilalim, hindi nakontrol ng Kings si Marcus Blakely kaya nagtala siya ng 30 puntos sa 89-86 na panalo ng San Mig Coffee noong Linggo.

Ngunit ayaw sabihin ni Pumaren kung ang Air21 na nga ba ang magiging huling destinasyon ni Taulava na 40 taong gulang na.

“Whether this is just his first stop or second stop, ang importante he will fill a void in our team now,” ani Pumaren. “Mahirap to look for a big guy like Asi who is available, especially after his performance in the ABL. Quality big guys are hard to find.”

Ang unang laro ni Taulava sa Air21 ay kontra sa Talk ‘n Text sa Biyernes sa PhilSports Arena sa Pasig.   (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …