Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, ‘di nagpaunlak ng one on one interview (Katuwiran ng aktres, kakanta pa raw siya)

ISA kami sa natuwa nang ilunsad at ihayag ng TV5 sa pamamagitan ni Ms. Wilma Galvante, TV5’s chief entertainment content officer, ang magandang show ni Sharon Cuneta, ang The Mega and the Songwriter. Bale makakasama niya rito si Ogie Alcasid na magsisimula na sa Setyembre 15, Linggo, 9:00 p.m..

Ang The Mega and the Songwriter ay sinasabing first of its kind on Philippine television na isang musical variety program na bukod sa itatampok ang dalawang legendary duo na sina Ogie at Sharon, mayroon din silang mga guest na singers na siyempre pa’y kakantahin ang kanilang mga pinasikat na awitin gayundin ang mga newbie performers na itinampok sa YouTube.

Ayon kay Sharon naiyak siya sa tuwa nang sabihan siya at ialok ng TV5 na gagawa siya ng ganitong musical-variety show. Paano’y ganitong format ng show ang gusto niyang gawin simula pa noong lumipat siya sa Kapatid Network mula ABS-CBN noong 2011.

Kitang-kita naming ang sobrang kasiyahan kay Sharon habang nagkukuwento ng tungkol sa kanyang show. Maya’t maya nga ang halakhak nito at tila nasobrahan ang kadaldalan. Nakikipagbiruan din ito kina Edu Manzano na mayroon ding bagong show sa TV5, ang What’s Up Doods? na mapapanood na simula Setyembre 14, Sabado, 9:00 p.m. at kay Aga Muhlach na muling inilunsad ang kanyang show na Pinoy Explorer na mapapanood naman tuwing 6:00 p.m. Linggo.

Hyper nga noong mga oras na ‘yon si Sharon na understandable naman ang kasiyahang ipinakikita habang isinasagawa ang presscon. Pero nang matapos na ang Q and A sa presscon, nagtungo ito sa isang kuwarto ng Megatrade Conference Center ng SM Megamall kaya hindi agad namin siya nahabol para sa one on one interbyu o follow-up tsikahan.

Tinungo namin ang nasabing kuwarto subalit hinarang kami ng mga nakabantay na blueboys. Nang mga oras na ‘yon ay naroon din sa kuwarto si Aga Muhlach at iniinterbyu ng TV5 crew. Sinabi namin sa mga guwardiya na press din kami at iinterbyuhin namin si Sharon. Subalit hindi pa rin ito pumayag. Hinintay namin ang abiso ng isa sa staff ng corporate PR ng TV5 na pumasok sa kuwarto para ipaalam kay Megastar na may nais mag-interbyu pa sa kanya. Ilang minuto rin kaming naghintay, medyo matagal-tagal iyon. Actually, nag-walk-out na nga ang isa sa kasamahang manunulat dahil sa rami ng kaarterhan at sa tagal na rin ng paghihintay.

Paglabas ng taga-TV5 corporate PR ang sabi sa amin, ayaw daw  magpa-interview na ni Sharon dahil kakanta pa raw ito.

Medyo nairita kami sa inasal na iyon ni Sharon. S’ya ang nangangailangan sa media nang mga oras na iyon para na rin mai-promote ng maayos ang kanyang show, pero kung ganyan siya ng ganyan, nega na naman ang magiging dating niya. Parang utang na loob pa namin na mainterbyu siya. Hello!!!

Sana lang mag-rate nga ang kanyang show. At sana rin, magningning muli ang kanyang mga bituin. ‘Yun lang!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …