Monday , April 14 2025

Patalon System ni ‘JR Smuggler’ ipinabubusisi

ISANG kargamento na iniuugnay sa smuggler na si JR Tolentino ang pinaiimbestigahan ng mga naaagrabyadong stakeholders sa Aduana matapos matuklasan na isa na naman itong patalon sa Port of Manila.

Humiling ng mahigpit na imbestigasyon ang mga stakeholder sa Aduana dahil madalas nilang natutuklasan ang ginagamit na ‘patalon scheme’ sa PoM ng smuggler na si JR Tolentino.

Gaya nitong Abril 09 (2013) isang container van ang nakalusot sa Section 9 ng Port of Manila.

Nakatalang consignee ang Sprintline Trading na may address sa San Ildefonso, Bulacan at isang Richard Geonzon ang broker.

Sa dokumentong nakalap ng stakeholders, ang nasabing container van ay naglalaman ng 1,631 boxes na idineklarang bathroom accessories.

Ito ay may tariff specifications na 73262090 at dumaan sa Section 9 ng PoM.

Nabatid na ang Section 9 ng PoM ay para mga produktong bakal (steel) lamang.

Ang produktong bathroom accessories ay dapat na idinaraan sa Section 14 & 15 ng PoM.

Nabatid na ang binayarang buwis ng nasabing kargamento ay umabot lamang sa P69,371.

Hinihihiling ng mga stakeholders na ipag-utos ni Commissioner Ruffy Biazon na magsagawa ng BoC Post Entry Audit sa mga section kung saan pinadaraan ni JR Tolentino ang kanyang mga kargamento.

Malaki umano ang pangangailangn na i-post audit ang mga nasabing kargamento dahil nangangamba ang mga stakeholders na illegal na droga ang mga laman nito.

(Percy Lapid)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *