Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatapos ng My Little Juan, kaabang-abang!

KAHAPON, Setyembre 9, simula na ang huling linggo ng My Little Juan na pinagbibidahan ni Izzy Canillo. Naging paborito namin ang teleseryeng ito na nagpakita sa viewers ng life ans story of Juan dela Cruz noong bata pa siya.

Bukod sa magandang paglalahad ng story, technically, bongga rin ito dahil lumevel sa ganda ng Juan Dela Cruz ni Coco Martin sa primetime.

Ang kapansin-pansin sa My Little Juan, ayon na rin sa mga tagasubaybay ng programang ito ay ang values ng programa. Ang pagpapakita ng magandang values na dapat tuluran ng mga bata. Hindi na kami magtataka kung umani ito ng awards sa iba’t ibang award giving bodies, especially ukol sa pagpapahalaga sa mga bata.

Masuwerte si Izzy dahil nabigyan siya ng pagkakataon para magampanan ang karakter ng little Juan. Siyempre, may basbas ni Coco ang pagpili kay Izzy.

At alam n’yo bang dahil sa mahusay na pagganap ni Izzy, halos bunsong kapatid na ang turing dito ni Coco? Madalas ngang tanungin ni Coco si Izzy kung ano ang gusto nitong regalo. Ang madalas na sagot ni Izzy, wala po.

Sa tagumpay na naabot ng My Little Juan, binabati naming ang Dreamscape sa paggawa ng ganitong klase ng teleserye. Isa ito sa pinakamagandang teleserye sa Kapamilya Gold.

Kaya, huwag pa rin bibitaw sa huling linggo ng My Little Juan, suportahan pa rin natin ito.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …