Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakatalo ng galing galing iimbestigahan ng PHILRACOM

Magsasagawa ng pagrerebisa ang Philippine Racing Commission (Philracom) laban sa mga nagaganap na perderan ng kabayo sa tatlong karerahan sa Cavite at Batangas.

Kabilang sa rerebisahin ng Philracom ang kuwestiyunableng pagkakatalo ng kabayong ‘Galing Galing’ na huling sinakyan ni Jockey RG Fernandez sa karerang ginanap sa bakuran ng Sta. Ana Park, Naic.Cavite.

Ito ang naging tugon ng Philracom sa inilabas ng Kontra-Tiempo na tumanggap ng maraming reklamo mula sa mga mananayang karerista.

Mismong si Commissioner Jesus B. Cantos, Executive Racing Director ng Philracom, ang nagsabing kaniya itong iparereview, upang makita ang ginawang pagdadala sa kabayo ng hinite.

Batay sa obserbasyon ng Kontra-Tiempo na personal din na nakapanood ng laban,  hindi nakitaan ng interes na manalo ang hinete dahil sadyang pinagod nito ang kabayo matapos paalagwahin matapos kunin ang unahan sa pagbukas ng starting gate hanggang sa tawirin ang finishing line.

Dahil sa naging diskarte ng hinete, kinapos ng hininga ang Galing Galing at walang kahirap-hirap na tinalo ng mga kalaban na sina Musashi at Gee Aye Jane sa umpisa ng karera noong Setyembre 4.

Katarungan lamang ang hinihingi ng mahal nating mananayang karerista na siyang bumubuhay sa industriya, anong silbi ng mga ginagawang pagbabago ng Philracom upang maibangon sa pagkakalugmok ang karera kung may mga hinete at horse owner  na bumababoy ng karera.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …