Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFWs sa Syria dinagdagan ng sweldo ng employers (Mahirap pauwiin kahit may giyera)

INAMIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na  nahihirapan silang kombinsihin sa ginagawang repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Syria.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, hirap sila sa pagpapalikas ng mga Pinoy sa Syria  dahil sa kanilang pabago-bagong desisyon.

Aniya, isang malaking hamon para sa DFA ang pagpapalikas sa OFWs na naiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Ani Hernandez , ikinakatuwiran umano ng OFWs doon na ligtas sila sa tahanan ng kanilang employers bukod pa sa tinaasan ang pasahod ng ilang employers dahilan upang magdalawang–isip na lumikas sila.

Ayon kay Hernandez, undocumented ang karamihan sa 3,000 OFWs na hindi pa nagpaparehistro sa repatriation program ng pamahalaan kaya’t nahihirapan din sila.

Samantala, sa datos ng ahensya  aabot na sa halos 5,000 OFWs ang kanilang napapauwi mula Syria.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …