Saturday , December 21 2024

Enchong at Enrique, pagalingan ng acting sa Muling Buksan ang Puso

KAPANSIN-PANSIN na kina Enchong Dee at Enrique Gil naka-focus ang mga eksena lately sa Muling Buksan Ang Puso. Hindi maiwasan na magkaroon ng kompetisyon at comparison sa dalawa.

Patalbugan sila sa kanilang mga eksena. Reminds us of Coco Martin and Paulo Avelinoin Walang Hanggan.

Base sa nakikita naming performance nina Enchong at Enrique, hindi nagkamali angABS-CBN sa pag-build up sa kanila bilang ultimate leading man at versatile actor.

Malaking challenge kay Enrique ang maka-eksena ang mga dekalibreng aktor na sinaSusan Roces, Cherie Gil, at Agot Isidro. Idagdag pa ang mga scene with Daniel Fernando bilang ama nito.

While si Enchong  naman ay na-challenge na kaeksena si Christopher de Leon, bilang lider ng sindikato na napasukan nito.

Sa pagtatapos ng Muling Buksan Ang Puso, no doubt na naka-develop na naman ang ABS-CBN ng dalawang matinik na leading men.

Pagsasama nina Alden at Marian, ‘di pa sure

VERY positive ang feedback sa tandem nina Alden Richards at Lauren Young   sa patapos nilang serye sa GMA 7. Willing ba si Alden na makasama ulit ang young actress? Pabor naman si Alden sa idea  na subukan sila ni Lauren.

Hindi naman daw sa ayaw niya ng ka-loveteam si Louise Delos Reyes, kaya lang, gusto rin naman daw niyang subukan na makapartner ang iba. At kahit naman daw si Louise ay ganoon din ang gustong mangyari, ang makapareha ang ibang actor.

“I’m sure, si Louise po, gusto rin naman na makapareha ang iba. Siyempre, para iba naman po, dalawang taon na po kaming tandem,” bulalas niya para hindi naman sila pagsawaang dalawa.

Ano na ang update sa pagsasama nila ni Marian Rivera?

Wala pa raw kompirmasyon tungkol doon. Niluluto pa lang ang project na ‘yun at hindi rin niya alam kung tuloy ‘yun.

‘Yun na!

MMFF, isinusulong na maalis sa pangangasiwa ng MMDA

ISINUSULONG ngayon ang batas na mawala sa pangangasiwa ng MMDA ang Metro Manila Film Festival ni Cong. Grex Lagman.

Hanggang ngayon ay nagtataka si Cong. Lagman kung bakit hindi mga taga-movie sector ang mamahala ng naturang festival. Ang dapat pakialaman daw ng MMDA ay ang trapiko, basura at baha, at hindi mag-organize ng movie event.

Ang naturang batas ay suportado ngayon ng movie industry para maaprubahan.

Panahon na raw na ibigay sa mga taga-industriya ang nararapat na para sa kanila para sa pagbabalik-sigla ng movie industry.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *