I CRIED last Sept. 8 because of sadness and happiness. Hindi ko mapigil ang maluha dahil I will be missing my friends very soon. Magaan ang aking pakiramdam at masaya dahil naman I am ready to met our Creator sa aking eternal life. Yes. I have colon cancer stage 4 subalit inilihim sa akin na meron na pala akong taning. It was only revealed to me by my son the night of Sept. 7. Hanggang 5 months na lang daw ang buhay ko sabi ng St. Luke’s Hospital, kung saan ako inoperahan at nagpa-CTscan (ang next ko ay ang petscan).
Last Sept. 7 dumaan pa ako sa Hataw office ng 11:30 am. Later ay nagtungo ako sa Paco Catholic Church (iba ang name ngayon) to have my confession and communion. Why there? Nagtapos po ako ng elementary school sa Paco Catholic School (very high standard) at doon ako unang nag-confession and communion. Grader ako noon at that was exactly 50 years ago. Bagamat walang confession that hour, I was accommodated by teacher Letty Cabalin at dinala ako sa office ng parish priest. Inasikaso naman ako ni Ging Clarida at hinanap si Fr. Wilfredo Talavera.
Masaya ako dahil napagbigyan ako. Mahigit isang oras ang aking confession. Ipinagtapat ko ang buong buhay ko sa pari. Binigyan ako ng communion. And I was anointed. Years ago, noong nasa Italy si Fr. Talavera along with 7000 bishops and priest, he was fortunate na lapitan at kausapin niMother Therese. Inabutan siya ng scapular at sinabi pa ni Mother Therese “You are a healer priest!” Ipinahiram sa akin ni Fr. Talavera ang said image na lagi kong dala ngayon. And last Sept. 8 ng 7 pm ay nag-attend ako ng mass officiated by the said priest and again received communion.
Sept. 8 is Mama Mary’s birthday. It is also the birthday of my only beloved sister Evangeline Alcid Pronstroller (a very private person, we are extreme opposite). Nang malaman ng mga friends ko ang aking kondisyon, marami ang umiyak, tumawag at pinasyalan ako nang personal: Divina Valencia, Azenith Briones, Liberty Ilagan, Melanie Marquez, Orestes Ojeda, Evangeline Pascual, Jojo Alejar, Gloria Sevilla, Jasmin Romero, Adrian Panganiban, Lorraine Schuck, Dennis Banez, Cathy Mora, Lorna Arcebal, Anabelle Ledesma, Fanny Serrano, Nadia Montenegro, Crispina Belen, Carla Varga, Deborah Sun, Direk Buboy Tan, Frannie Zamora, Julie Ann Fortich, Pamela Ortiz, Pilita Corrales, Ronald Constantino, Art Tapalla, Susan Henson, Arthur Quinto, Sweetie Gardiner, Tessie Lagman and a long list. Marami ang nagpamisa para sa akin. Ramdam ko ba ay talagang lilisan na ako.
Kinausap ko na rin ang aking kapatid at anak. Gusto kong iburol ako ng limang araw sa Arlington Funeral sa Araneta Avenue. Sana ay naka-white dress ang mga immediate relatives ko. Ganito ang picture na ilalagay. Naka-jusi Barong Tagalog ako. Cremation ang gusto ko. Kailangan masaya, it’s a celebration. Naroon na ako sa heaven. Death if the most important event of my life, and the happiest dahil makararating na ako sa aking eternal life in heaven and meet our Creator. But I’m still praying hard for a miracle. Tanging si Lord lang ang nakaaalam kung hanggang kailan ang buhay ko. Pattern lang ang resulta ng aking mga tests from St.Luke’s. Nag-uumapaw ang dami ng nagdarasal para sa akin. God is merciful. Miracles happen. I have faith and hope in my heart. Maraming salamat po!
Chito Alcid