Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, Influential Celebrity Endorser of the year awardee na!

IBANG level na talaga si Coco Martin! Hindi lang sa pagiging aktor humahakot ng award ang tinaguriang Drama King, pati na rin sa pagiging endorser ay kinilala na rin siya.

Noong Sabado, September 7, binigyang parangal si Coco bilang isa sa Most Influential Celebrity Endorser of the year ng 3rd EdukCircle Awards.

Personal na tinanggap ni Coco ang recognition sa awarding ceremonies na ginanap sa UP Film Institute. Ito ay bago siya um-attend ng 7th Star Magic Ball sa Fairmont Hotel sa Makati ng Star Magic ABS-CBN.

Kasama ni Coco sa nasabing award sina Kris Aquino, Boy Abunda, Vic Sotto, at Carmina Villaroel and family.

HIndi na talaga maawat ang tagumpay ni Juan Dela Cruz. ‘Di na mabilang ang kanyang acting awards, ngayon naman ay bilang celebrity endorser. Patunay ito na isa na talagang “premium brand” si Coco Martin.

‘Di na rin mabilang ang mga produktong iniendoso ni Coco,  nariyan ang Max’s Republika TM, Nescafe 3-In-1, Bench, Neozep, Belo, Cebuana Lhuillier Pera Padala, Boardwalk at iba pa.

At siyempre pa, hindi matatawaran ang pagiging consistent #1 teleserye sa Primetime ng kanyang Juan Dela Cruz.

Super congrats to Coco sa mga blessing na dumarating sa ‘yo. More to come!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …