Friday , November 22 2024

‘No Remittance Day’ tinangkang awatin ng Palasyo

HINIMOK ng Malacañang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na pag-isipan muna ang planong “No Remittance day” na itinakda ngayong araw, Setyembre 9, bilang protesta sa kontrobersyal na pork barrel system.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat isaalang-alang ng mga OFW ang kapakanan ng kanilang pamilya sa pagtigil ng pagpapadala ng remittances.

Gayonman, nilinaw ng opisyal na iginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga OFW sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.

Una rito, nanawagan ang grupong Migrante sa mga manggagawang Filipino sa labas ng bansa na itigil ng isang araw ang pagpapadala ng remittances bilang pakikiisa sa panawagan na buwagin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at kongresista. (ROSE NOVENARIO)

‘EDSA TAYO’ TULOY NA SA SEPT. 11

TINIYAK ng organizer ng “EDSA Tayo” na tuloy ang kanilang pagtitipon sa Miyerkles, Setyembre 11.

Ayon kay Mr. Junep Ocampo, organizer ng “EDSA Tayo,” 11 a.m. mag-uumpisa ang pagtitipon-tipon sa EDSA para sa prayer vigil at dakong 5 p.m. magtatapos.

Hinikayat naman ni Ocampo ang publiko na makiisa sa prayer vigil at sabay-sabay ipanalangin sa Diyos ang bansa at ipakita kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na talagang nais ng taumbayan na tuluyang buwagin ang pork barrel system.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Ocampo na isa itong prayer vigil at malayo na magiging sanhi ito ng kaguluhan.

Samantala, una nang sinabi ni PNP PIO chief, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac na nakipagpulong na si Ocampo at ilang mga opisyal ng NCRPO upang matiyak ang seguridad sa nakatakdang prayer vigil.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *