TALAGANG nagtataka tayo sa mass transport system natin sa bansa lalo na ang sistema ng MRT/LRT.
Araw-araw ay nag-aakyat ng kamal-kamal na salapi ang MRT/LRT sa pambansang kaban ng bansa.
Pero nagugulat tayo sa mga ulat na nalulugi raw ang MRT/LRT kahit na nga araw-araw ay punong-puno ng pasahero ang coaches nila.
Paanong malulugi ang isang kompanya na mayroong subsidyo ang gobyerno at mayroon pang pumapasok na pera araw-araw?!
Ibig sabihin lang, mayroong iregularidad na nagaganap sa MRT/LRT …
At ibig lang din sabihin na mayroong pangangailangan na na isailalim sa masusing pagsusuri ng Commission on Audit (COA) at isailalim rin sa LIFETSYLE CHECK ang mga opisyal n’yan pati na ang mga top brass ng Department of Communication and Technology (DoST).
O ‘di ba, Secretary Abaya?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com