KAILANGAN ideklara na sa label ng mga laruan kung ito ay may taglay na nakalalason o mapanganib na kemikal.
Ito ang itinatadhana ng Republic Act 10620 o Toy and Games Safety Labeling Act of 2013 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sino mang lalabag sa RA 10620 ay magmumulta ng P10,000 hanggang P50,000 o mabibilanggo ng tatlo hanggang dalawang taon.
Inaatasan din ang Bureau of Customs na kagyat na ibasura ang mga laruang napatunayang may nakalalasong kemikal na hindi idineklara sa label nito, upang hindi na magamit pa.
(ROSE NOVENARIO)